Cong TV, Viy Cortez bongga ang gender reveal, boy or girl?

Cong TV, Viy Cortez bongga ang gender reveal, boy or girl?

Therese Arceo - November 07, 2024 - 07:39 PM

Cong TV, Viy Cortez bongga ang gender reveal, boy or girl?

TALAGA namang bongga ang isinagawang gender reveal ng mag-asawang social media influencer na sina Viy Cortez at Cong TV para sa kanilang second baby.

Ibinahagi nila ang masayang balita sa kanilang latest vlog.

Makikitang present ang mga kaanak at mga malalapit na kaibigan nina Viy at Cong sa kanilang gender reveal party.

Habang ang mga bisita ay naka-pink at blue, tanda ng kanilang hula sa magiging second baby ay iba naman ang atake ng mag-asawa.

Baka Bet Mo: Viy Cortez buntis na sa 2nd baby nila ni Cong TV: Kuya na si Kidlat!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Naka-all white naman sina Cong at Viy pati na rin ang kanilang panganay na anak na si Kidlat.

Tumayo rin sila sa outdoor all-white stage set-up kung saan nakaharap sila sa kanilang mga bisita.

Makalipas ang kanilang countdown ay lumabas ang pausok na kulay pink na nagbigay kulay sa puting set up pati na rin ang mga pink confetti.

“Nararamdaman kong babae siya. Pero siyempre nagulat pa rin ako na nakita kong babae kaya grabe ‘yung iyak ko,” pagbabahagi ni Viy.

Sey naman ni Cong, “Kaya ako nagulat ako na babae kasi in-expect ko na lalaki. Pero ‘yon, kung ano pa man ‘yan, sobrang saya naming dalawa kasi may dadagdag na naman sa pamilya namin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nitong Oktubre 2024 ay ibinahagi nila na buntis si Viy sa kanilang ikalawqng anak.

Noong August 2022 naman na ipanganak ang kanilang panganay na si Kidlat.

Samantala, ikinasal ang dalawa nitong June 2024.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending