Viy Cortez, Cyril Factor nagsagutan sa harap ni Juday: Chill!

Viy Cortez, Cyril Factor nagsagutan sa harap ni Juday: Chill, OK lang yan

Ervin Santiago - September 22, 2024 - 06:30 AM

Viy Cortez, Cyril Factor nagsagutan sa harap ni Juday: Chill, OK lang yan

Judy Ann Santos, Vin Cortez at Cyril Factor

NABIKTIMA ng nakakalokang prank ng content creator Viy Cortez-Velasquez ang nag-iisang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.

Sa wakas, napagbigyan din ni Viy ang matagal ang request ng kanyang mga supporter na magkaroon sana sila ng bonggang collaboration ng Kapamilya actress-TV host.

Maraming naaliw at natawa sa successful prank ng Team Payaman vlogger sa award-winning actress at wifey ni Ryan Agoncillo na isa rin sa mga matagumpay na celebrity content creator ngayon.

Inimbita ni Juday ang grupo nina Viy sa restaurant nila ni Ryan na Angrydobo para masubukan ang mga putaheng inihahain nila sa kanilang mga customers.

Baka Bet Mo: Viy Cortez niregaluhan ng mamahaling motor si Cong TV: ‘Deserve naman niya yan, ngayon ko lang siya bineybi nang ganito’

Pero ang hindi knows ni Judy Ann ay may nakaplano nang prank ang Team Payaman kasama ang editor na si Cyril Factor sa pamamagitan ng isang  interview.

“Hindi lang interview ang ginawa namin dahil mag-aaway kami ni Cy sa harap n’ya. Kaya tingnan natin kung si Cy ang masasampal ko o ako ang masasampal ni Ms. Judy Ann!” ang natatawang sey ni Viy.

Kunwaring aawayin ni Viy si Cy habang nagaganap ang panayam nila kay Juday dahil sa mali-maling impormasyon na ibinigay sa kanya tungkol aktres bukod pa sa mga technical issue na naging dahilan ng pagka-delay ng shoot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viy Cortez-Velasquez (@viycortez)


Makikita si Juday na parang nakikiramdam lang sa nangyayari hanggang sa tumindi pa ang tensyon sa venue nang pagalitan ni Viy si Cy sa harap mismo ng aktres na ikinagulat nito.

“Tingnan mo Ma’am, ang sabi n’ya, ang dami raw kasing pinapa-print! Ano ba namang sagot ‘yan? Hindi na kayo nahiya!” ang galit nang sabi ni Viy.

“‘Wag kang ma-stress. Okay lang ‘yan. Nangyayari ang pagkakamali. Chill! Okay lang ‘yan!” ang kalmadong reaksyon at payo ni Juday kay Viy.

Humirit naman si Cy ng, “Binabastos n’yo ako sa harap ni Ma’am Judy Ann, nakakahiya naman kayo, ‘te! Ang daming tao ‘te, buti sana kung tayo-tayo lang.”

Nagsagutan na ang dalawa at nagbato pa si Cy ng baso kaya mas uminit pa ang eksena. Sinabi ni Viy na break muna sila pero tuloy pa rin sa pagsasalita si Cy na hiyang-hiya siya sa ginawa sa kanya sa harap mismo ni Juday.

Dito, hindi na napigilan ni Juday ang magsalita at tinanong sina Viy kung gusto pa ba nilang ituloy ang interview o o i-reschedule na lang ito sa ibang araw.

Kasunod nito, napilitan nang aminin ng Team Payaman ang kanilang prank sabay tawanan. Reaksyon naman ni Judy Anne, “Pasado (ang acting), in fairness!”

“In fairness, best actor ka (Cy) d’yan ah!” sey pa ng aktres.

Narito naman ang ilang comments mula sa mga nakapanood ng video.

“OMG! Judy Ann Santos!!! ‘Yung pic na post last week alam ko sa Angrydobo ‘yun talaga. Pero The Judy Ann Santos na tooooo!!! Iba ka Viviys!”

“You can see na very protective si Ms. Judy Ann sa mga anak nya.. ayaw nya makita yung ganung klaseng environment.. yung may away away.. pero you can feel her being calm pero uncomfortable. Walang ere, walang pa superstar feels. yung totoong mejo parang na didissapoint s’ya sa nangyayari. Galing ng actingan!”

“The collab we didn’t expect!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang galing mo Cy. Imagine masabihan ka ng prime superstar na si Ms. Judy Ann Santos na ‘best actor’ nakaka proud!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending