Viy Cortez niregaluhan ng mamahaling motor si Cong TV: 'Deserve naman niya yan, ngayon ko lang siya bineybi nang ganito' | Bandera

Viy Cortez niregaluhan ng mamahaling motor si Cong TV: ‘Deserve naman niya yan, ngayon ko lang siya bineybi nang ganito’

Ervin Santiago |April 05,2023
facebook
share this

Viy Cortez niregaluhan ng mamahaling motor si Cong TV: ‘Deserve naman niya yan, ngayon ko lang siya bineybi nang ganito’

Ervin Santiago - April 05, 2023 - 12:34 PM

Viy Cortez niregaluhan ng mamahaling motor si Cong TV: 'Deserve naman niya yan, ngayon ko lang siya bineybi nang ganito'

Via Cortez, Cong TV at Baby Kidlat

IBANG klase pala talagang magmahal at mag-alaga ng kanyang dyowa ang sikat na content creator at social media star na si Viy Cortez!

In fairness, napa-hashtag #SanaAll na lang ang mga netizens nang bumandera sa socmed ang ibinigay na regalo ni Viy sa kanyang long-time partner na si Cong TV.

Isang brand new motorcycle lang naman ang pasorpresa ng YouTuber sa kanyang dyowa na matagal na raw niyang gustong ibigay kay Cong TV na pitong taon na niyang karelasyon ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Base sa ipinost na litrato ni Viy sa kanyang social media account, ang motorsiklo na iniregalo sa kanya ni Viy ay isang Suzuki Burgman400 abs 2023 na nagkakahalaga raw ng halos P2 million.

Kalakip ang photo ni Cong TV o Cong Velasquez sa tunay na buhay, na nakasakay sa bago niyang ride, sinabi ni Viy sa kanyang Instagram post na kahit may baby na sila ay gusto pa rin niyang iparamdam sa partner niya na pwedeng-pwede pa rin niya itong gawing baby.

Baka Bet Mo: Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

Sa video na ibinahagi ni Viy sa kanyang You Tube channel, kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Cong TV na akala mo’y isang bata na nakatanggap ng regalong matagal na niyang pinapangarap.

Sey ni Viy, totoong matagal nang gusto ni Cong na magkaroon bagong big bike kaya naisipan niyang sorpresahin ang kanyang partner. Kuwento pa ng vlogger, binili pa niya sa dating pinapasukang kumpanya ang naturang motor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)


“May baby na tayo pero be-baby-hin padin kita. iloveyou! Regalo ko kay cong uploaded na sa yt!” bahagi ng caption ni Viy sa kanyang socmed post.

“Deserve naman ‘to ni Cong. Ngayon ko lang siya bineybi nang ganito,” dagdag pa niyang mensahe para sa pinakamamahal na dyowa.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa pasabog na regalo kay Cong.

“Wowed! Iba talaga kapag milyun milyon ang kinikita sa vlogging and online business. Kainggit.”

“Grabeeeeee.. ganun ka kayaman, kakabili lang ng burgman bumili agad ng goldwing. Hahahahaha!”

“Nasampal na naman ako ng kahirapan haha sanaol hahahaha pag satin di nagpapabola si Lord hahahaha  unfair hahahaha.”

“Ngiting tagumpay si @thecongtv.”

“Mapapa sana all ka na lang talaga eh… deserve mo yan sir cong dugo’t pawis.”

“Boss swerty nyo po sa isat isa @teampayaman.”

Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baby nina Viy Cortez at Cong TV na si Baby Kidlat pampa-good vibes sa socmed: Nakakawala siya ng stress!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending