Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat | Bandera

Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat

Therese Arceo |July 12,2022
facebook
share this

Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat

Therese Arceo - July 12, 2022 - 03:07 PM

Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat

IBINANDERA ng social media influencer at businesswoman na si Viy Cortez ang kanyang selfie sa social media isang linggo matapos niyang isilang ang panganay nila ni Cong TV na si Baby Kidlat.

Tila hindi naman alintana ng first time mommy ang kanyang pisikal na itsura sa kabila ng mga pagbabagong nangyari nang manganak siya.

Sa kanyang Facebook page ay tanggap niya ang kanyang sarili ngunit aminado siya na nangangapa pa siya sa pagiging ina.

“Itsura ng nagpapadede, may tahi, nangangapa pa paano ba dapat ang tamang gawin. Okay lang yan bawi nalang sa mga susunod na buwan mahaalaga healthy si baby,” saad ni Viy.

Ipinangako naman niya na babawi sa kanyang sarili sa mga susunod na buwan ngunit sa ngayon ay priority niya ang kanilang anak.

Bukod rito, naniniwala at nararamdaman naman ni Viy na mahal siya ni Cong at ng anak nila kahit ano pa ang itsura niya.

“Alam ko naman [na] mahal ako ni Cong at ni Kidlat kahit ang panget ko ngayon hahahah. Ngayon, para sa anak ko muna lahat,” sey niya.

Umani naman ng mga papuri at paghanga kay Viy ang comment section ng kanyang post.

“One of the perks of being a mother is that no matter how we look, bad hair day, pimple break-out, etc. We will always be the prettiest in our children’s eyes. Akala ko mga nanay lang ang gandang-ganda sa mga anak but my daughter always tell me I’m pretty even when I am not. And for sure, you are the most gorgeous woman in Kidlat’s eyes,” saad ng netizen.

Comment naman ng isa, “Viy Cortez this is the true beauty of being a mother.. all the pain and sacrifices for the whole 9 month we finally bring the best gift that you will treasure forever.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

“Wala pong panget sa nanay na ibinibigay ang lahat sa kanyang mag-ama Worth it ang sakripisyo pagod at puyat nating mga ina,” sey pa ng isa.

Hindi naman ito ang unang pgkakataon na ipinamalas ni Viy ang positibong pagtanggap at pagmamahal sa sarili sa kabila ng kanyang journey sa pagiging ina.

Noong Marso ay ibinahagi rin niya sa publiko ang pangingitim ng kanyang leeg bagay na hindi niya ikinakahiya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol

Viy Cortez kay Cong TV: Kuntento ako sa ano mang meron tayo

Cong TV, Viy Cortez magkaka-baby na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending