Cong TV, Viy Cortez magkaka-baby na! | Bandera

Cong TV, Viy Cortez magkaka-baby na!

Therese Arceo |December 03,2021
facebook
share this

Cong TV, Viy Cortez magkaka-baby na!

Therese Arceo - December 03, 2021 - 09:18 AM

Cong TV, Viy Cortez magkaka-baby na!
ISANG malaking blessing ang darating para sa long time vlogger couple na sina Cong TV at Viy Cortez ng Team Payaman.

Sa kanyang latest vlog na “Plaswan”, ay ibinahagi ni Viy, vlogger at CEO ng isang cosmetic brand ang kanyang pagdadalang tao.

“Oh my God! Totoo kaya?” naiiyak na sabi ni Viy habang tinitignan ang resulta ng dalawang pregnancy test na ginawa niya na parehas positive.

Kuwento niya, naiiyak siya dahil hindi niya alam kung totoo ba na buntis siya dahil bago siya operahan two weeks ago, negative pa ang resulta ng kanyang pregnancy test.

“Nakadalawang PT ako, dalawang may linya pero naiiyak ako kasi natatakot ako kasi di ba kakaaopera ko lang at negative ako nu’n. Ano ‘yun e, two weeks ago. So kung negative ako baka false positive rin ngayon, so naiiyak ako kasi baka umasa lang ako tapos hindi naman pala.

“Hindi ko alam, halo halo ang emosyon ko. Naiiyak ako sa saya. Naiiyak ako kasi nalulungkot ako kasi paano kung mawala na naman or paano kung hindi pala talaga,” saad ni Viy.

Sa huli ay napagdesisyunan niyang sabihin sa kasintahan ang resulta ng kanyang pregnancy test.

Una ay busy pa si Cong TV sa paglalaro ngunit nang ilahad niya sa harap nito ang pregnancy test ay kitang kita ang labis na saya nito nang tignan si Viy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

“Totoo ba? Totoo? Baka kay Patpat (kapatid ni Cong TV) ito, a? Hindi umiiyak ka, e. Totoo. Matulog ka na don, bawal kang gumalaw. Pa-check up ka na,” nakangiti at excited na sabi ni Cong TV sabay yakap kay Viy.

Muling tinitigan ni Cong TV ang pregnancy test sabay sabing, “Ibigay na niya sa ‘kin, to. Gustong-gusto ko (magka-baby)” puno ng pag-asang sey ni Cong TV.

Sa kasunod na clip ay ibinahagi ni Viy ang ilang clips mula sa kanyang check-up kung saan nakumpirma nila na buntis talaga siya.

Labis naman ang saya ni Cong TV at hindi na napigilan ang pgsigaw nang ibalita nila ang pagbubuntis ni Viy sa kanilang mga kasama sa bahay.

“Sana ito na ‘yun! Ito na ‘yun!” masayang sigaw ni Cong TV.

Kahit ang mga kasama nila sa bahay ay labis ang tuwa para sa magkasintshan.

“Sana! Sana talaga! Kahit umiyak siya maghapon, magdamag babatayan ko siya,” sey ni Cong Tv habang ipinapakita kung paano niya ihehele ang kanyang parating na baby.

Masayang-masaya rin ang mga magulang ng dalawa ng ibalita nila ang kanilang pagbubuntis.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nabuntis rin si Viy ngunit sa kasamaang palad ay kinuha agad ito ng Diyos.

Marahil ay hindi pa talaga pra kina Viy at Cong TV ang pagkakaroon ng anak noon at inihahanda pa lamang sila sa mas malaki pang blessing na paparating at ngayon ngang ready na sila, ipinagkakaloob nang muli ng Diyos ang isang anghel na mas lalong magpapatibay sa kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sina Cong TV at Viy Cortez ay mga vloggers at entrepreneurs na mula sa sikat na vlogging group na Team Payaman.

Congratulations, Cong TV at Viy Cortez!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending