Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol | Bandera

Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol

Therese Arceo |July 06,2022
facebook
share this

Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol

Therese Arceo - July 06, 2022 - 02:07 PM

Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol
LABIS ang saya ng isa sa Team Payaman couple na sina Viy Cortez at Cong TV sa pagdating ng kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Veasquez o si Baby Kidlat.

Base sa sariling media group ng entrepreneur at social media influencer,nanganak na ito kahapon, July 5.

“Kayong dalawa ang mundo ko [heart emoji] salamat Lord sa biyaya,” saad ni Viy sa kanyang post.

Ibinahagi rin niya ang isang TikTok video kung saan buhat buhat ni Cong at tila ingat na ingat ito na huwag masaktan ang kanilang panganay na anak.

Bago pa man ipanganak si Viy ay ibinahagi na nila kung ano ang magiging pangalan ng kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Tanging Zeus lang ang sinabi nila at sorpresa na sa kanilang taga-suporta ang second name nito na ngayon nga ay na-reveal na.

Mukhang isinunod nina Viy at Cong ang pangalan ng kanilang panganay sa yumao nilang kaibigan at kapwa vlogger na si Emman Nimedez.

Samantala, ang nickname naman nitong “Kidlat” ay ibinigay ng kanyang kapatid na si Junnieboy.

Bago pa man dumating si Kidlat ay nagkaroon ng miscarriage si Viy kaya noong malaman nilang buntis ulit ito ay talagang naging maingat ang dalawa.

Tingin nila ay bumalik na ulit sa kanila si Baby Kidlat dahil tama na ang pagkakataon at mas handa na sila sa panibagong chapter ng kanilang buhay.

Sa Facebook post naman ngayong araw ni Cong TV ay ipinakita niya ang una nilang bonding mag-ama.

“Ang sarap mong ka kwentuhan kahit puro iyak lang ang reply mo. I love you!” saad niya sa caption.

Samantala, ipinakita rin ni Viy sa kanyang Instagram story ang video ni Baby Kidlat na nagbe-breastfeed sa kanya.

“Mahal na mahal kita anak!” sey niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cong TV, Viy Cortez magkaka-baby na!

Viy Cortez kay Cong TV: Kuntento ako sa ano mang meron tayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending