Viy Cortez kay Cong TV: Kuntento ako sa ano mang meron tayo | Bandera

Viy Cortez kay Cong TV: Kuntento ako sa ano mang meron tayo

Therese Arceo |June 18,2022
facebook
share this

Viy Cortez kay Cong TV: Kuntento ako sa ano mang meron tayo

Therese Arceo - June 18, 2022 - 10:36 AM

 Viy Cortez kay Cong TV: Kuntento ako sa ano mang meron tayo
NAG-CELEBRATE ng ika-7th anniversary bilang mag-dyowa ang mga social media influencers na sina Viy Cortez at Cong TV o Lincoln Velasquez sa totoong buhay.

Ibinahagi ng soon-to-be mommy sa kanyang Instagram post ang larawan nila ng kasintahan na kinunan habang nagpapahinga at nagkukulitan ang dalawa.

“Walang espesyal na handa wala sa espesyal na lugar di nakaayos walang magagandang regalo pero sobrang saya at kuntento ko sa ano mang meron tayo mahal lalo na paparating na ang anak natin,”saad ni Viy.

Lubos rin ang pasasalamat ng vlogger-entrepreneur kay Cong sa walang sawa nitong pagmamahal sa kanila sa pitong taon nilang pagsasama bilang mag-dyowa.

“Maraming salamat sa pitong taon mahal lagi mo sakin pinaparamdam na ako lang sapat na sapat na. Happy anniv mylove sa mga susunod na anniv natin may tabachingching na bata na tayong kasama,” dagdag pa ni Viy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Kamakailan ay ipinakita niya ang sonigram ng kanilang baby boy na binansagan nila bilang si Kidlat na talaga namang kitang kita ang matabang pisngi.

Pagbibiro ni Viy, “Mukhang kailangan pa namin magsikap ng daddy mo anak.. mukhang iiyak ka pag wala tayong mga nakatagong pagkain sa ref hahahaha love you anak see you soon.”

Wala pa man ang kanilang anak ay labis labis na ang pagmamahal na ipinararamdam ng kanyang mga magulang kay Baby Kidlat.

Maging ang ninang nitong si Toni Gonzaga ay nagpadala na rin ng regalo sa paparating na anghel sa buhay nina Cong at Viy.

Matatandaang isa si Viy sa mga naging guest sa digital show na “Toni Talks” last month bilang parte ng pagdiriwang ng Mother’s Day noong Mayo.

Dito ay pabirong sinabi ng soon-to-be-mommy na kukunin niyang ninang ang aktres na malugod naman nitong tinanggap.

Samantala, konting panahon na lang ang hinihintay nina Cong at Viy dahil malapit na ang kabuwanan ng vlogger.

“Salamat Lord sa regalo mo sa amin ni Cong.

“Tunay na naririnig at nakikita ng Diyos ang mga sakit na ating nararamdaman. Last anniv namin umiiyak kami ni cong at hinihiling namin na sana ibalik na samin si kidlat. sa sobrang bait ng Diyos ngayong anniv namin kasama na namin si kidlat,” sey ni Viy.

Related Chika:
Cai Cortez sa mga laiterang netizens: Tanggap kong mataba ako at sexy rin ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rez Cortez sasailalim sa major surgery dahil sa problema sa liver; Cai Cortez humiling ng dasal

Cong TV, Viy Cortez magkaka-baby na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending