Zeinab may nadiskubre kay Bobby Ray nang maganap ang proposal
“NU’NG proposal, sobrang na-touch talaga ako sa kanya!” ang rebelasyon ni Zeinab Harake patungkol sa kanyang fiancé na si Bobby Ray Parks.
Marami raw napatunayan ang aktres at content creator mula nang mag-propose sa kanya ang dyowang basketball player, lalo na sa ugali at mga pananaw nito sa buhay.
Nabanggit niya ito sa isang vlog ng kanyang kaibigan at kapwa YouTuber na si Viy Cortez-Velasquez, kung saan napag-usapan nila ang kanyang relasyon kay Bobby Ray.
Kuwento ni Zeinab, hinding-hindi niya raw makakalimutan ang isang katangian ng professional cager na napansin niya sa mismong wedding proposal nito.
Dito raw nakita ni Zeinab kung gaano talaga ka-selfless si Ray, “Nu’ng proposal, sobrang na-touch talaga ako sa kanya kasi kahit siya hindi niya inisip sarili niya.”
Baka Bet Mo: Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan
Una raw niyang napansin that time ay ang OOTD ni Ray during the proposal, “Alam mo ‘yung suot niya na coat nu’ng proposal, ‘yung pants niya, tuxedo niya at sapatos niya ilang beses na niyang nagamit ‘yun!”
“Hindi niya man lang hinandaan ‘yung sarili niya,” namamanghang sey ni Zeinab.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa niya, “Nasabi kong grabe itong taong ‘to, ang laki ng ginastos sa proposal pero hindi mo naisip na laanan ‘yung sarili mo.
“Pero wala siyang pakialam doon as long as sumagot ako, dumating ako, selfless siya,” ang sabi pa ng proud dyowa ni Bobby Ray.
Pagmamalaki pa niya sa kanyang fiancé, “Si Daddy Ray ibibigay niya lahat. Mas magastos siya sa family, sobrang kuripot siya sa sarili niya.”
Ibinandera ni Zeinab ang tungkol sa engagement nila ni Bobby Ray noong July 7. Wala pang ibinibigay na detalye ang dalawa kung kailan at saan magaganap ang kanilang wedding.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.