60-anyos na lola natagpuang patay, hubo’t hubad sa loob ng sementeryo
Trigger warning: Mention of rape
HINIHINALANG ginahasa ang isang 60-anyos na lola na natagpuang patay at hubo’t hubad sa loob ng isang musoleo sa Sorsogon Catholic Cemetery.
Base sa report ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng biktima nitong nagdaang Linggo ng umaga, January 19, 2025.
Ayon sa mga imbestigador, posibleng ni-rape ang matanda dahil hubo’t hubad nga itong natagpuan sa loob ng sementeryo.
Narekober din ng mga otoridad ang isang bato sa isang bahagi ng crime scene na hinihinalang ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.
Baka Bet Mo: John Estrada spotted na may kasamang babaeng foreigner sa bar, bagong GF?
Sa inilabas na report ng 101.5 Brigada News FM Sorsogon kahapon, January 20, naaresto na ng pulisya ang isa sa mga suspek na umaming sila ang nangholdap sa matandang biktima.
Base sa salaysay ng suspek, hindi niya alam na gagahasain at papatayin pa umano ng kanyang kasama ang biktima.
“Nag-inom kami ng alas-singko, dumaan yung lola. Akala namin holdap lang yung mangyayari ‘di ko naman akalain na papatayin pala niya yung lola.
“Saka nu’ng pinukpok na ng bato umalis na ako. Hindi ko naman alam na ganu’n pala ang gagawin niya, rereypin pa niya,” ang pahayag pa ng suspek tungkol sa nangyaring krimen.
Sabi pa ng suspek, wala naman daw talaga silang plano na mangholdap at napadaan lang daw ang lola sa kinaroroonan nilang lugar kaya naisipan nilang biktimahin ito.
Sabi pa ng naarestong suspek sa pulisya, “Nagsisisi ako, sa ano sa pamilya ng biktima akala lang namin hold-up lang mangyayari.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.