Marcus Adoro mawawala muna sa Eraserheads, may ni-rape raw?

Marcus Adoro mawawala muna sa Eraserheads, may ni-rape raw na HS student?

Pauline del Rosario - April 06, 2025 - 01:19 PM

Marcus Adoro mawawala muna sa Eraserheads, may ni-rape raw na HS student?

PHOTO: Instagram/@eraserheadscomboontherun

Trigger Warning: Mentions of rape, sexual abuse, and harassment.

MAGPAPAHINGA na muna si Marcus Adoro, lead guitarist ng Eraserheads, mula sa mga gagawing aktibidad ng OPM rock band.

Ito ay dahil sa kumakalat na mga bagong paratang ng pang-aabuso sa social media.

Sa isang post sa Twitter, nagbigay ng reaksyon ang lead vocalist ng banda na si Ely Buendia tungkol sa mga paratang laban kay Marcus. 

“We acknowledge the recent allegations that have surfaced online. As proponents of justice, we unequivocally condemn all criminal acts and stand against abuse of any form. Above all, we seek the truth,” sey sa caption.

Baka Bet Mo: Raymund Marasigan sa isyu ni Marcus Adoro: I hope the issue between the parties gets resolved soon

Dagdag pa ni Ely, “As Marcus makes time to address the matter at hand, he will be stepping back from the upcoming project.”

Bagamat hindi binanggit ng bokalista kung anong mga aktibidad ng Eraserheads ang hindi isasama si Marcus, sinabi niyang magpapatuloy ang banda na may “humility” at “deep respect” pagdating sa katotohanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Diane Ventura (@mariadianeventura)

Isang Reddit user na may pangalang @NMomThrowaway12345 ang nag-akusa sa gitarista ng pang-aabuso sa kanya noong siya ay nasa high school pa.

Ibinandera ng user ang kanyang post sa Reddit na may pamagat na “the beloved Marcus Adoro of the Eraserheads raped me when I was in high school.”

Ang agaw-pansin sa caption sa post: “Fuck this guy for telling me masuwerte ako na hindi niya na all-the-way dahil lang nagpupumiglas ako.”

Nabanggit din sa post na marami nang inabuso at hinalay umano ang nasabing musikero.

“He is a known and recorded abuser of women. He beat Barbara Ruaro. He abused his own child – going as far as telling Syd that she will be raped. He raped me and countless other women – tried to rape one acquaintance of mine, as well,” wika pa.

Bukod diyan, binatikos din ng umano’y biktima ang Eraserheads, pati ang direktor ng documentary film at dating misis ni Ely na si Diane Ventura dahil sa pagtulong kay Marcus na linisin ang kanyang kasuklam-suklam na kasaysayan upang kumita.

“It’s also saddening — but not surprising — to see that Ely Buendia, Buddy Zabala, and Raimund Marasigan have no principles. They previously stated that they did not condone abuse. Pera lang pala ang katapat ninyo. Pa-Spolarium Spolarium pa kayo, mga ipokrito,” pahayag ng reddit user.

Marcus Adoro mawawala muna sa Eraserheads, may ni-rape raw na HS student?

PHOTO: Screengrab from Reddit

As of this writing, wala pang pahayag si Marcus hinggil sa mga paratang ng naturang Reddit user.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ng lahat ng nabanggit sa balitang ito.

Kung matatandaan noong 2019, si Marcus ay nauna nang naakusahan ng kanyang anak na si Syd Hartha na isa ring singer-songwriter, at ng kanyang ex-partner na si Barbara Ruaro ng pisikal at emosyonal na pang-aabuso.

“Hinding hindi ko makakalimutan iba’t ibang klase ng abuso na dinanas ko sa kanya. Kaya pala ako nilalayo ng nanay ko at iba pang mga kamag-anak ko sa kanya. Kaya pala,” sey ni Syd sa isang Facebook post.

Makalipas ang tatlong taon, ang gitarista ay nagkaroon ng open letter para sa kanyang anak upang mag-sorry at humiling ng second chance.

Sa kasalukuyan, ang Eraserheads ay nasa promotional tour ng kanilang documentary film na “Combo on the Run” na ipinalabas sa mga sinehan noong Marso.

Tinutukoy ng dokumentaryo ang pagbuo ng banda, ang kanilang pag-angat sa kasikatan, ang kanilang pagwawakas, at kung paano hinarap ng mga miyembro ang mga nangyari matapos nito.

Sa pagtatapos ng docu film, ipinakita ng banda ang teaser na may mga bagong musika silang niluluto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magkakaroon din sila ng “Electric Fun Music Festival” sa May 31 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque. 

Kasama sa lineup ng event ang Itchyworms, Moonstar88, Imago, Dong Abay Music Organization, at Blaster.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending