Eraserheads may bagong kanta, upcoming concert ngayong 2025

Eraserheads may bagong kanta, upcoming concert ngayong 2025

Pauline del Rosario - March 22, 2025 - 12:18 PM

Eraserheads may bagong kanta, upcoming concert ngayong 2025

Eraserheads

PUNONG-PUNO ng pasabog ang iconic OPM band na Eraserheads para sa loyal fans!

Matapos kasing ianunsyo na magbabalik na ang kanilang banda, bumandera sa end credits ng documentary film na “Eraserheads: Combo on the Run” ang kanilang sorpresa.

Magkakaroon sila ng concert at bagong kanta ngayong taong 2025!

Ang engrandeng concert ng banda ay pinamagatang “Eraserheads: Electric Fun Music Festival” na gaganapin sa SMDC Festival Grounds, Pasay City sa darating na May 31. 

Ito ang muling pagsasama ng banda matapos ang kanilang epic reunion concert na “Huling El Bimbo” noong December 22, 2022.

Baka Bet Mo: Eraserheads ibinandera ang tunay na kwento ng pagsikat, pagkawatak, pagkakaayos

Ang pahayag nga ni Ely Buendia sa isang special screening noong March 20, “By this time, I think tama na yung reunion-reunion na ‘yan. Wala nang huling ‘Huling El Bimbo.’ We’re here to stay.”

Yes, yes, yes, confirmed na talaga mga ka-BANDERA na tuloy-tuloy na ang Eheads era!

Ang upcoming concert ay magkakaroon ng early bird ticket selling via PalawanPay simula Lunes, March 24.

Sa end credits ng pelikula, maririnig din ang isang misteryosong bagong kanta na agad pinag-usapan ng mga fans. 

Kung totoo ngang may bagong single, ito ang magiging unang bagong release ng banda matapos ang “Sabado” at “1995” noong 2014—mga kantang ni-reissue sa vinyl noong 2021.

Samantala, ang “Eraserheads: Combo On The Run” ay kasalukuyang ipinapalabas sa mahigit 150 sinehan sa buong bansa at dinudumog na ng mga manonood. 

Sa direksyon ni Diane Ventura, ang docu film ay isang intimate behind-the-scenes journey ng isa sa pinakamaimpluwensiyang banda sa kasaysayan ng OPM.

Napanood na namin ito at sinisiguro namin na hindi lang ito para sa fans ng banda, kundi para sa lahat ng mahilig sa musika at nais ma-inspire pagdating sa pagkakaibigan, tagumpay, at muling pagbangon.

At kung hindi mo pa rin matanggap ang lahat ng sorpresa—pwes, meron pa! 

Ang Eheads mismo ay magkakaroon ng mga biglaang live performance sa ilang sinehan hanggang March 23.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa isang taon na puno ng rock, nostalgia, at bagong musika, mukhang magiging pinakamakabuluhang taon para sa Eraserheads at kanilang walang sawang tagahanga ang 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending