Eraserheads documentary film ipalalabas na sa Marso
IPINALABAS na ng Warner Bros. Pictures ang trailer ng documentary film kung saan tampok ang kwento ng “most influential band” sa Pilipinas, ang Eraserheads.
Nitong Lunes, January 6, sa kanilang Facebook page ay makikita ang trailer pati na rin ang mga detalye para sa naturang docufilm.
Pinamagatan ang documentary film na “Eraserheads: Combo on the Run.”
Baka Bet Mo: Eraserheads malaking bahagi sa love story nina Norman at Beauty
View this post on Instagram
“This is more than music—it’s their journey. Don’t miss Eraserheads: Combo on the Run in cinemas March 21–23. One weekend. One epic ride,” mababasa sa caption ng Warner Bros. Pictures.
Agad namang umani ng samu’t saring komento at reaksyon mula sa madlang pipol ang pa-trailer ng docufilm.
Comment ng isang netizen, “Born in the 80’s, raised in the 90’s. We love Eraserheads!”
“Nakaka kilabot yung pag tunog ng HULING EL BIMBO,” saad ng isang netizen.
Chika pa ng isa, “Ayos ah. Kaso puro English n naman dahil for international market b yarn? Haha. American colonial mindset kelan mawawala sa Pinas?”
Matatandaang noong December 2022 ay muling nagsama-sama ang miyembro ng bandang Eraserheads na sina Ely Buendia, Marcus Adoro, Raimund Marasigan, at Buddy Zabala para sa kanilang reunion concert simula nang mag-disband ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.