True kaya, Alden masama raw ang loob dahil binasted ni Kathryn? 

True kaya, Alden masama raw ang loob dahil binasted ni Kathryn? 

Reggee Bonoan - March 22, 2025 - 02:08 PM

True kaya, Alden masama raw ang loob dahil binasted ni Kathryn? 

Adlen Richards, Kathryn Bernardo, David Licauco

POSIBLE kayang may bagong love team na mabuo at aabangan ng mga fans?

Naging agaw-pansin kasi sa katatapos lang na “Body of Work Underwear Fashion Show” ang sabay na pagrampa nina Kathryn Bernardo at David Licauco!

Ito ay sa kabila ng usap-usapang dedmahan umano ni Kath at ni Alden Richards sa nasabing event na naganap sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Marami ang nagtaka na hindi magkasama sa final walk ang on-screen partners bilang representative ng ABS-CBN at GMA bilang prime artists ng dalawang istasyon.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Si David ang naging katuwang ng Kapamilya actress kaya nakarinig na kami ng tanungan sa mga katabi namin habang pinapanood ang dalawa.

Nasaksihan namin ‘yung paglabas ni Ben Chan kasunod ang lahat ng rumampa sa Body of Work show at diyan namin sinubaybayan ang kilos at galaw nina Kathryn at Alden na kinamayan at binati ang ibang kasama, pero silang dalawa mismo ay hindi nagtama ang paningin sa isa’t-isa at hindi rin nagbatian.

Dahil diyan, naniniwala na kaming hindi nga “okay” ang KathDen.

Ang tanong tuloy ng katabi namin sa upuan, “Ano ‘yun? Anong drama?”

Ang malaking monitor din sa harap namin ang pinapanood namin at wala talaga…dedmahan ang KathDen.

Hanggang sa naalala naming may mga hugot si Alden sa socmed niya na, “Mind your own business.” Para kanino kaya iyon?

Nakakapagtaka lang dahil ang alam namin ay okay ang samahan nina Alden at Kathryn dahil kahit tapos na ang promo ng pelikula nilang “Hello, Love, Again” ay nanatili silang magkaibigan.

Masama kaya ang loob ni Alden dahil sitsit ng aming source ay binasted ng aktres ang aktor?

“Nanligaw si Alden, hindi siya sinagot ni Kath, friends lang ang kayang i-offer daw,” sey ng source na binalikan namin kaagad ng tanong habang sinusulat namin ang balitang ito.

Nauna nang pumutok ang chikang magkarelasyon na umano sina Kathryn at si Lucena Mayor Mark Alcala, ngunit hindi pa nila ito kinukumpirma.

Duda naman kami kung totoong may something na sina Mayor Mark at Kath dahil sa nakaraang media launch ng “Pilipinas Got Talent” ay bakit nasabi ng aktres na may pinagdadaanan siya ngayong personal?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back to Bench show ay napansin namin na may chemistry din sina Kathryn at David, huh?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending