Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: 'Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga 'ko!' | Bandera

Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Ervin Santiago |March 30,2023
facebook
share this

Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Ervin Santiago - March 30, 2023 - 07:15 AM

Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa career, may promise sa KathNiel fans: 'Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga 'ko!'

Kathryn Bernardo

KUNG ang pagbabasehan ay ang kanyang mga bonggang achievements sa showbiz, maituturing na ngang “young superstar” ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

In fairness, talaga namang hindi matatawaran ang narating na tagumpay ni Kathryn mula nang magsimula siya bilang child star sa mga programa ng ABS-CBN dalawang dekada na ngayon ang nakararaan.

Sa kanyang henerasyon, masasabing siya na ang masasabing pinakasikat at pinaka-accomplished youngstar dahil sa tagumpay ng lahat ng ginawa niyang pelikula at teleserye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Bukod sa pagiging Box-Office Queen, isa rin siya sa mga female celebrities sa may pinakamaraming endorsements ngayon sa telebisyon at iba pang platforms.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng girlfriend ng Box-Office King na si Daniel Padilla sa ABS-CBN at Star Cinema dahil hanggang ngayon ay pinagkakatiwalaan pa rin siya ng kanyang mother network.

Last Monday, in-announce na nga ng ABS-CBN at Star Cinema executives ang dalawang pelikulang gagawin ngayong 2023 ni Kath – ang dark comedy na “A Very Good Girl” at ang historical drama na “Elena 1944”.

Baka Bet Mo: Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

“This is a big day for me. It means a lot nandito kayo. Naghahalo-halo siguro ‘yung nararamdaman ko. I turned 27 na and I started when I was seven. It’s like celebrating my 20 years,” simulang mensahe ni Kathryn.

“Nakakatuwa at nakaka-proud. Maybe if there’s one thing that I’ve learned all these years its that you have to constantly evolve.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“With this, I’m grateful to this team, to ABS-CBN, to my bosses, to everybody behind me because nandiyan lang sila. They all have my back. They are allowing me to do things na gusto ko pa i-pursue,” pahayag pa ni Kathryn.

“Maraming, maraming salamat for the continuous trust. And I will try and continue to make you proud. And, I will give my all. I promise,” dagdag pa niya.

Ito naman ang message niya sa mga loyal KathNiel fans, “To the fans, alam ko medyo maraming revelations ngayon.

“Sana ay maintindihan niyo why we have to do this but ginagawa rin namin ito because we want to continue making you proud and making very good projects na worthy of your time,” dagdag pa niya.

“Of course to my family, to my Star Magic family, to my mom, to DJ (Daniel) who has been very supportive. Hindi ko ito mararating lahat kung wala sila lahat. So I am forever grateful.

“So thank you guys for making my 27th birthday the best yet. Overflowing na ‘yung pagmamahal at ‘yung joy na nararamdaman ko ngayon.

“This will be an exciting year, yes I am very nervous, kung nerbiyos lang ang pinag-uusapan natin ay kabang-kaba na talaga ako.

“But here I am I want to do this, and I want to do this for myself, to do it for you and I am just excited for what’s going to happen this year. So sana sama-sama tayo rito at samahan niyo ako sa journey na ito,” kuwento pa ni Kathryn.

Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito super proud sa pagtatapos ni Neri sa college: Ang galing lang…nagsisilbi ka nang inspirasyon ngayon sa mga kababaihan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending