Keempee ayaw makisawsaw sa isyu ng Pepsi Paloma movie

Keempee ayaw makisawsaw sa isyu ng Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap

Ervin Santiago - January 09, 2025 - 12:25 AM

Keempee ayaw makisawsaw sa isyu ng Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap

Keempee de Leon, Joey de Leon at ang kanilang pamilya

SUPER thankful si Keempee de Leon sa GMA 7 dahil nakasama siya sa cast ng latest afternoon drama series ng network na “Prinsesa ng City Jail”.

Mapapanood na ito simula sa darating na Lunes, January 13, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime, kung saan bibida ang Kapuso promising loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Gagampanan ni Keempee sa serye ang karakter ni Dado, ang jail warden na nag-alaga kay Princess played by Sofia Pablo, na ipinanganak sa loob ng kulungan.

Proud si Keempee sa bago niyang project sa GMA 7 dahil bukod sa napakaganda ng kuwento ng “Prinsesa ng City Jail” ay magagaling din ang mga kasama niya sa serye.

Bukod kina Allen at Sofia, ka-join din sa pinakabagong afternoon series ng GMA sina Ina Feleo, Dominic Ochoa, Jean Saburit, Beauty Gonzalez, Denise Laurel, Ayen Munji-Laurel, Pauline Mendoza at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan!

Samantala, sa naganap na grand presscon ng “Prinsesa ng City Jail” ay natanong si Kimpoy tungkol sa kontrobersyal na pelikula ni Darryl Yap na “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Muli kasing nababanggit ngayon ang pangalan ng kanyang amang si Joey de Leon, si Bossing Vic Sotto at ang yumaong komedyante na si Richie D’Horsie dahil sa naturang pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Ngunit marespetong nakiusap si Keempee na huwag nang pag-usapan ang tungkol dito, “I’m sorry, ha? Mahal ko kayong lahat, pero I’m not in a position to say anything about that.

“Kasi, honestly, wala naman akong alam diyan. Hindi ko naman alam yung mga puno’t dulo nu’ng araw kung ano yung nangyari.

“Alam ko naman na itatanong yan, e. Sabi ko, ‘Ano ba naman tong nangyayaring ito, parang bubuhayin na naman nila yung isyu dati na yung tapos na yun e, na wala namang ebidensiya, kesyo ganito, kesyo ganu’n.’

“So ako, I’d rather stay quiet kasi mahirap kasi, e. Nu’ng una kong narinig yan, sabi ko, ‘Bakit kailangan ba gawin ito, ano? Dahil ba eleksyon?’

“Tito Sen (Tito Sotto), di ba, tatakbo. Tapos kumbaga, nananahimik na pare-pareho, kailangan buhayin yung mga isyung tapos na.

“Kumbaga, patay na, bubuhayin mo pa. Hayaan na natin sa hukay. Ako, medyo nakakalungkot lang kasi nananahimik na yung mga tao, tapos biglang may pasabog na ganito,” pahayag ni Kimpoy.

Dagdag pa niya, “Sana, alamin muna nila. Wala, e, ganu’n talaga. Ayokong makisali diyan, e,” pag-iwas pa ni Keempee.

Napag-usapan na ba nila ni Joey ang tungkol dito, “We’re not talking about anything kasi recently lang, kailan lang kami nagbati, e,” sey ni Keempee patungkol sa ama.

“So, ayokong mabahiran na kailan lang kami, more than four, five years kaming hindi nag-uusap, e.

“Ako na lang talaga ang gumawa ng first move na last year lang yun, Father’s Day, talagang sinadya ko siya sa Eat Bulaga! na…yung humility ba?

“Ako na nagpakumbaba, although alam ko may kasalanan din ako. Magulang is magulang, e. Bali-baliktarin mo man yan, kahit sino man ang may kasalanan, magulang mo pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, ayokong mabahiran na baka pag-awayan pa namin yun. Parang hindi ko maisip na kailangan…kumbaga, ang ayos-ayos ng pamumuhay ng bawat isa, guguluhin lang nila,” ang pahayag pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending