Sumbong ni Sofia Pablo sa pang-aasar ni Allen Ansay: Parang hindi siya magiging masaya kundi niya ako pipikunin
PATULOY na bumobongga ang career ng Kapuso loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay na napapanood ngayon sa GMA afternoon series na “Prima Donnas” book 2.
Bentang-benta sa mga manonood ang tambalan nila sa “Prima Donnas” kaya naman habang tumatagal ay parami rin nang parami ang supporters ng AlFia loveteam.
At hindi lang sa serye sinusubaybayan ng mga fans ang dalawang bagets kundi maging sa TikTok ay pinanonood sila ng mga netizens dahil sa mga pasabog at nakakikilig nilang mga dance video.
Sa “Prima Donnas” season 2 gumaganap pa rin si Sofia bilang Donnalyn o Lenlen, na isa nang balikbayan mula sa Australia. Hindi na nakasama ang dalagita sa pagpapatuloy ng book 1 dahil bawal pang lumabas at magtrabaho noon ang mga bata.
Sa tumatakbong kuwento ng “Prima Donnas 2”, “away-bati” sina Lenlen at Fonzie (Allan) na siyang kinakikiligan ng Kapuso viewers.
Sa naganap na virtual mediacon ng “Prima Donnas” book 2 ay natanong si Sofia kung paano niya idi-describe ang relationship nila ngayon ni Allen.
View this post on Instagram
“Si Allen, mahilig siyang pikunin ako. Parang hindi siya magiging masaya kundi niya ako nagagawang pikunin.
“But that’s the reason why they call us the jolly love team. And as a young love team, masaya kami that the fans are supporting us.
“We’re grateful that GMA Network is investing in us and we’re happy that they saw na, on and off screen, we’re okay ni Allen,” pahayag ni Sofia.
May inamin naman si Allen tungkol kay Sofia, “Pangarap ko talaga siyang maka-love team and we’re now very close friends at this point.
“Although the fans want us to be really on, we’re not rushing things kasi Sofia is only 15. We’re just happy that after youtube and Tiktok, nakita talaga ng mga tao dito sa ‘Prima Donnas’ na lovable yung chemistry namin.
“So we really owe a lot to Lenlen and Fonzie, the characters we play that endeared us more to our fans,” paliwanag ng binata.
Sabi naman ni Sofia, “Yes, now, we’re the jolly love team, but we have a new series na siguradong mabibigla ang audience kasi babaligtad ang roles namin.
“Hindi pa puwedeng i-reveal ang details but abangan nyo, kasi ibang-iba kami rito kaysa sa nakilala ng viewers sa ‘Prima Donnas,’” dagdag pa ng young actress.
Pahabol naman ni Allen, “Even in ‘Prima Donnas’, magkabati kami ngayon as Lenlen and Fonzie, pero marami pa kaming pagdaraanang mga pagsubok dahil kay Kendra, so abangan n’yo yan.
“Eventually, we like to try other roles. Ako, I’d like us to do a show na parang the hit Korean series, ‘All of Us are Dead’, horror-action, pero may love story pa rin involving us,” chika ng young actor.
At tungkol naman sa muling pagsasama nila nina Jillian Ward at Althea Ablan sa “Prima Donnas”, talaga raw na-excite silang lahat na magtrabaho uli. Parang magkakapatid na talaga ang turingan nila.
“Mababait sila, para ko talaga silang mga ate kasi ako ang youngest sa amin at 15.
“Si Althea even teaches me kung paano mag-ayos, pati sa buhok ko. Si Jillian naman, I admire yung laging focused niya sa work. Maganda ang team work namin as the three sisters in ‘Prima Donnas,’” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/304299/aiko-hirap-na-hirap-sa-prima-donnas-2-sa-last-day-ko-sa-taping-humahagulgol-ako
https://bandera.inquirer.net/284632/sharon-may-mga-taong-gustong-ipasuntok-sa-mukha-inalala-sina-aga-at-goma
https://bandera.inquirer.net/286767/sofia-mas-naging-better-person-mula-nang-maging-nanay-juday-echo-eeksena-sa-gma
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.