Jojo Mendrez nakuhaan ng mahigit P1-M ni Mark Herras, how true?
MAKAILANG beses tinanong ang tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez kung ano ang relasyon nila ng aktor na si Mark Herras dahil base sa kuwento ng manager ng una ay may pagka-demanding ito kapag nag-request ng pera.
Si David Bhowie ang manager ni Jojo under Aqueous Entertainment ay inuna muna niyang sabihin na tapos na ang collaboration ng Revival King at ni Mark para sa awiting “Nandito Lang Ako” na pino-promote nila ngayon.
Pero dahil lumalampas na sa guhit si Mark sa mga request niya pagdating sa usaping pinansiyal kay Jojo ay kinailangan na ni David makialam dahil hindi na ito healthy para sa artist nila.
“As manager hindi namin pinanghihimasukan ang personal ni Jojo dahil alam namin behind our back (Vince Apostol, co-manager) ay may mga pagkikita but dumating na sa point na we have to intervene because it’s not like anymore na pabayaan ang treatment ni Mark kay Jojo,” bungad ni David.
Baka Bet Mo: Jojo Mendrez, Rainier Castillo mahigpit na nagyakap; Nandito Lang Ako nakaka-LSS
View this post on Instagram
Pagpapatuloy nito, “nag-viral nga nu’ng nakita sila sa isang casino at nasundan ng nasundan at dumating sa point na panay hiram (pera) na si Mark kay Jojo and si Jojo since he’s very generous alam n’yo naman si Jojo kahit sa media friends kapag may nangangailangan ay hindi naman siya nagdadamot. But for us, it’s too much na kasi may mga times na nagsabi si Mark kasi ng, ‘kapag hindi mo ako pinahiram baka magpakamay na lang ako.’ Meron ‘yun at nasa messages ‘yun! Siyempre inisyal reaksyon ni Jojo, na-alarm siya at ayaw naman niyang maging dahilan na ituloy ‘yun kaya nagsabi si (Jojo) sa amin at ano ang gagawin namin. Kaya sabi ko, sabihan (tanungin) natin siya (Mark) paano ba, pay when able? Hindi naman puwedeng puro hiram. In good faith sige hiramin mo, in fairness naman to Mark, he’s promising na ibabalik naman niya.”
Ang isa sa malaking nahiram ni Mark ay umabot sa P300,000 para raw sa bayad ng bahay na ni-loan niya dahil delayed na ito.
Sa pagkakaalam din ng lahat ay isa rin sa dahilan kung bakit lahat ng trabaho ay tinatanggap ng aktor tulad ng pagsasayaw sa club para matustusan ang panggatos ng pamilya niya at sa mga utang niya.
“Sa exact venue na ito (kung saan ang emergency presscon) dito rin one time last week o two weeks ago, dito rin niya kinuha ‘yung hiniram niyang around P70,000 at saksi ang mga waiters din dito,” tsika pa ni David.
Baka Bet Mo: Jojo Mendrez, Rainier Castillo mahigpit na nagyakap; Nandito Lang Ako nakaka-LSS
Ang isa pang classic story na kuwento ni David ay nag-aabang lagi si Mark sa bangko kung sino at kailan ide-deposit ang perang hinihiram niya sa account niya.
“Kinukulit niya kami lagi na hindi siya aalis sa Metrobank hangga’t walang nakakapag-deposit sa kanya, so may mga ganu’n and I’m not blaming Mark kasi he’s striving for his family I know at saka si Jojo walang kapalit ‘yan, eh. Kahit magharap-harap wala namang hinihinging kapalit si Jojo,”detalyadong kuwento ni David.
Ang naging samahan ng dalawa ay parang nakababatang kapatid ng una dahil tinuturuan nito kung ano ang gagawin niya sa buhay na ultimo pagkain ng gulay ay pinapayuhan nito.
“Dapat kung anuman ‘yung naririnig naming vices at may naririnig kaming to the extent na may bisyo at kapag pinapangaralan ni Jojo ay parang si Mark pa ang galit,” dagdag tsika ni David.
Isa pang ikinagulat ng mga imbitadong media ay nakabantay daw umano ang asawa ni Mark sa social media kaya alam daw nito na binigyan ni Jojo si Rainier Castillo ng bagong cellphone.
Say ni David, “kuwento pa ng ani Mark sa amin kasi nakita ng wife niya ‘yung viral video na binigyan ni Jojo si Rainier ng cellphone tapos ang sagot daw ni Mark sa asawa niya, “wag ka na mainggit ang laki na nga nang ibinigay sa atin, so admittedly mas malaki ‘yung nakukuha niya compared to Rainier which is dapat hindi naman sabihin di ba?”
Isa pang dahilan kung bakit kinailangan nang tapusin nina Jojo at ng management team niya ang collaboration kay Mark ay sa dahilang binantaan ng aktor ang una na kapag nawala siya sa eksena dahil kay Rainier ay susunugin daw umano nito ang bahay.
“Sabihin mon ang pabiro pero mali pa rin, regardless if it’s a joke or note, it’s still a threat! Kaya nu’ng tumalikod na si Mark, sabi ko, ‘Jo parang hindi na tama ‘yun,” say ni David.
Humirit si Vince, kasamang manager din ni David sa Aqueous Entertainment na sa pagkakaalam niya ay umabot na sa mahigit P500,000 ang nahiram ni Mark sa artist nila iba pa ‘yung pautay-utay na hingi nito.
Baka Bet Mo: Mark Herras sa pa-surprise bouquet kay Jojo Mendrez: ‘Just to show support!’
“Sinu-sugarcoat pa kasi ni David, eh. Bakit ba kasi umabot ganu’n at sa naging takbo ng samahan, puro pera-pera lang?”sambit nito.
Pero si David ay mahigit sa isang milyon na ang nakuha ni Mark kau Jojo sa loob lang ng isang buwan at kalahati na hindi lang niya maibigay ang exact figures dahil hindi niya hawak that time ang listahan.
“In fairness to Jojo, ayaw niyang (pabayaran), pero kami (with Vince), as much as possible kasi hard earned money ‘yun ni Jojo ‘yun, kahit pa sabihing well-off si Jojo, he has still his family na sinusuportahan. Sa kanya (Jojo) kasi bale wala naman ang pera basta pakita mon a talagang sincere ka,” kuwento ni David.
Samantala, aware sina David, Vince at Jojo na libelous ang mga ibinunyag nila tungkol kay Mark at posibleng mauwi ito sa legal battle at nakahanda naman sila dahil bago sila nagpatawag ng emergency presscon ay nag-ask na sila ng legal advice.
In case ba humingi ng pagpapatawad si Mark kay Jojo ay possible bai tong patawarin ng revival king?
“Mag-uusap siguro kami kasi sa akin secondary na lang ‘yung pera. Ang hindi ko alam saan nanggagaling ‘yung galit, pagbabanta na susunugin ‘yung bahay kapag na-itsupwera siya.
“Sabi niya kasi (Mark) may anxiety depression siya hindi siya puwedeng ma-stress kasi according to him lagi siyang pine-pressure ng asawa niya, ‘yung wife niya na kapag wala siyang dalang pera (pag-uwi) sa bahay nila malaking gulo ang mangyayari that’s why tatawag siya sa akin, makikiusap siya (pera) na kapag hindi ko siya pagbibigyan sasabihin niya, magpapakamatay siya,”balik-tanaw ni Jojo.
Kaya binibigyan na lang ng “Nandito Lang Ako” singer si Mark dahil kung may mangyari sa kanya dahil sab anta nitong magpapakamatay ay konsensiya naman ni Jojo ito.
“Then sabi pa niya (Mark) kapag hindi ko siya tutulungan ay ako raw ang nagtutulak sa kanya para kumapit siya sa patalim at the same time ay gagawin niya ang mga bagay na hindi maganda especially ‘yung mga nagme-message sa kanya ay pagbibigyan na lang niya.
“Siyempre concerned naman ako sa kanya kaya sabi ko, ‘wag mo ‘yang gagawin’ kaya bibigyan ko na naman siya hanggang sa paulit-ulit na with the same problem,”kuwento ni Jojo.
At dahil demanding si Mark kay Jojo tulad ng inaabot daw ito ng maghapon sa bangko hangga’t hindi pa siya pinade-depositohan kaya tinanong kung ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa.
“Wala kaming relasyon ni Mark Herras for once and for all. Walang namamagitan sa amin ni Mark Herras at the same time ay hindi ko alam ang takbo ng isip niya.
“Sa sarili ko alam ko kung ano lang ang turing ko pero sa kanya hindi ko alam kung ano ang nakikita niya, magkaibga kasi ‘yun. Wala kaming relationship. Walang ligawan or anything. Magkaibigan lang kami, hindi ko alam kung ano ang dating sa kanya,” diin ni Jojo.
Case closed na ang Mark at Jojo issue kaya anumang isyung lalabas pa ay hindi na ito papansinin ng mang-aawit at ng management team niya.
Anyway, sab inga ni Jojo ay moving forward na siya sa isyu kay Mark at mas bibigyan na niya ng pansin ang promo ng “Nandito Lang Ako” song niya under Star MusicPH.
At looking forward na siya sa nalalapit niyang recording ng tatlong kantang ire-revive niya tulad ng “I love You, Boy” ni Timmy Cruz, “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sung by Michael Pangilinan, at “Tamis Ng Unang Halik” orihinal ni Tina Paner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.