Jojo Mendrez, Rainier Castillo mahigpit na nagyakap sa pression

Jojo Mendrez, Rainier Castillo mahigpit na nagyakap; Nandito Lang Ako nakaka-LSS

Ervin Santiago - March 23, 2025 - 07:18 AM

Jojo Mendrez, Rainier Castillo mahigpit na nagyakap; Nandito Lang Ako ka-LSS

Jojo Mendrez at Rainier Castillo

MAHIGPIT na nagyakapan ang Kapuso actor na si Rainier Castillo at ang tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez nang muling magkita sa isang event.

Naging emosyonal ang singer-businessman nang sorpresahin siya ni Rainier sa launching ng kanyang first original song na “Nandito Lang Ako” sa ELJ Building sa loob ng ABS-CBN sa Quezon City, nitong Biyernes, March 2.

Matagal-tagal din ang yakapan scene ni Jojo at ng “StarStruck Season 1” finalist habang umiiyak ang singer na tila nakakita ng kakampi sa gitna ng mga kinasasangkutang kontrobersiya.

Pagkatapos kasi niyang ma-link sa isa pang Kapuso actor at “StarStruck Season 1” Ultimate Male Survivor na si Mark Herras ay kay Rainier naman siya naiisyu.

Tulad ni Mark, kumalat din ang litrato nila ni Rainier sa social media habang magkasama at naglalaro sa isang hotel casino at sa isang restaurant habang sweet na sweet na lumalafang.

Mas lalo pang uminit ang chika about them nang sorpresahin nga siya ni Rainier sa kanyang presscon at wala mang pa-flowers tulad ng ginawa ni Mark sa nauna niyang mediacon, may matagal at mahigpit namang pa-hug si Rainer sa singer.

Bago magpakita sa event si Rainier ay natanong na si Jojo kung ano ba talaga ang tunay na relasyon nila ng aktor sa gitna ng mga haka-haka na sila na raw ngayon at naetsapwera nang tuluyan si Mark.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Wala hong ganu’n. Tingnan niyo, ang nasa isip niyo na yung ganu’n kasi ayun yung nababasa natin sa social media, napapanood natin. Kaya nandoon na yung judgement na talagang meron na nangyayari,” depensa ni Jojo.

“Kumbaga, kahit i-explain ko wala nang maniniwala. Kung idedenay ko naman, sasabihin nagsisinungaling. Kaya hindi ko alam kung saan ako lalagay sa ganyan sitwasyon,” ang sentimyento ni Jojo.

Pero paano nga ba sila nagkakilala ni Rainier  at napalapit sa isa’t isa? “Bali in-introduce siya sa akin ni Mark, parang nagkayayaan tapos nu’ng nakikilala ko na si Rainier, si Mark naman naging busy. Halimbawa, dapat lalabas kami o may gagawin sa labas na ano, or mag collab kami whatever, lagi siyang hindi available.

“At that time, ang available lagi is si Rain, si Buboy siya lagi available. Kaya laging madalas yung pagkikita namin nu’ng tao,” esplika niya.

Samantala, todo ang pasasalamat ni Jojo sa Star Music PH dahil sa tiwala at pagpapahalaga na ibinigay sa kanya, lalo na ng mga ABS-CBN executives na sina Roxy Liquigan at Jonathan Manalo.

Si Jonathan ang nag-compose ng first original song ni Jojo na “Nandito Lang Ako” under Star Music PH.  At in fairness, maganda ang kanta at nakaka-LSS kaya naman pagkatapos ng press launch ni Jojo ay halos kabisado na namin ang bago niyang song.

Ang “Nandito Lang Ako” ay tungkpl sa isang taong may lihim na pagtingin sa kanyang kaibigan at handang maghintay sa pagdating ng tamang panahon para sa kanilang love story.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Available na ang “Nandito Lang Ako” sa lahat ng digital music platforms very soon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending