Jojo Mendrez hinangaan ang magandang boses, proud sa bagong kanta
NANG i-post namin sa social media namin ang video na kumakanta ang Revival King na si Jojo Mendrez ng latest song niyang “Nandito Lang Ako” ay marami ang nag thumbs up at sabay sabing, ‘maganda pala boses niya.
Maganda naman talaga kaya nga ginawan ng kanta ni Jonathan Manalo, Creative Director ng ABS-CBN Star Music si Jojo na may titulong Nandito Lang Akon a bagay na bagay daw sa boses ng revival king.
Sabi nga ni Jojo, “Sobrang nerbyos ko kasi ayaw kong mapahiya sa kanya sobrang lagi ng pangalan niya Jonathan Manalo, so, proud ako na meron akong kantang galing sa kanya .”
Hiningan ng reaction ang singer kung ano ang ganap habang nire-record niya ang Nandito Lang Ako dahil tiyak na nakabantay si Jonathan sa kanya.
Baka Bet Mo: Jojo Mendrez kasama naman si Rainier Castillo, netizens naguluhan
View this post on Instagram
“Nagtake talaga ako ng tranquilizer the first meet na nagkita kami during the recording session kasi kailangan nasa kundisyon ang boses mo kasi mahirap ‘yung kanta medyo complicated ‘yung song kasi pabago-bago‘yung tono tapos pataas ‘yung dulo kaya sabi ko baka mapahiya ako pero napaka-pasensiyoso niya kasi may time na nagkakamali ako naka-smile pa rin siya sa akin, kaya thank you kay Jonathan Manalo,” saad ni Jojo.
Sa nasabing mediacon ni Jojo bilang Star Music artist ay present sina Jonathan at Roxy Liquigan, Head ng ABS-CBN Star Music para suportahan ang bago nilang artist.
Say ni Roxy, “Hi good afternoon sa lahat, thank you sa pagsuporta ninyo kay Jojo, we’re very happy kasi maganda ‘yung song na ginawa ni Jojo and I really love his voice and more to come Jo.”
Sabi naman ni Jonathan, “I’d like to congratulate Jojo at ‘yung ginawa kong kanta at nag-ask sa akin si Jojo na sumulat ng original song for him at sinasabi ko na hindi ito galing sab aul o matagal ko nang naisulat at binigay ko sa kanya
“This is a song (Nandilo Lang Ako) na intended for Jojo, simply gusto ko na ‘yung magso-showcase sa voice niya and pag napakinggan ninyo ay lumabas talaga ‘yung natural voice niya at ‘yung message ng kanta.
“Tinanong ko siya kung ano ‘yung gusto niyang emotional (feeling) ng kanta, ano ba ang puwede nating maging peg at sabi ni Jojo ang gusto niya ay parang Handog (awitin ni Florante), so hindi naman parehong-pareho ng Handog pero iyon ang naging inspiration ko na kapag pinakinggan mo tatama sa puso and kakantahin mo sa mga tao na hindi nag-give up sa ‘yo, hindi ka iniwan thru thick and thin.
“Puwedeng i-uwi ng tao (kanta) sa mga hindi nang-iwan sa kanya, ‘yung pov (point of view) ng mga tao na nagsasabing hindi kita iiwan through thick and thin.
“Ang wish ko for this song ay appreciated by music audience na sila rin ay maka-connect sa mensahe ng kanta.”
Anyway, klinarong muli ni Jojo na ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol kay Mark Herras na binigyan siya ng bulaklak sa unang meet the press niya kamakailan dahil apektado ang pamilya niya.
At dahil nabigyan kami ng pagkakataong magtanong ay nag-follow up kami tungkol sa isyung ito na paano maiiwasan ni Jojo na ayaw niyang pag-usapan si Mark, e, lagi namang nakikita sa social media ang mga larawan at video na magkasama sila at may dagdag pa, si Rainier Castillo na kasa-kasama na rin sa hotel at nagka-casino.
“May naka-follow ngang paparazzi kung sino ‘yung makitang kasama ko, binibigyan ng malisya at nagtataka nga ako kung bakit laging nasusulat.
“Nag-usap nga kami ng management ko n asana ‘wag nang patulan o i-repost. Sana ipagtanggol na lang ako kasi hindi ko ma-explain sa lahat ng tao ‘yung nararamdaman ko o ‘yung pinagdadaanan ko, siguro kaya nasi-share rin ay para pabulaanan ang mga kuwentong ganyan,”pahayag ni Jojo.
At dito na nagpasalamat si Jojo kina Roxy at Jonathan sa payo sa kanya na huwag patulan ang mga isyu sa kanya at mag-focus sa promo ng Nandito Lang ako song niya under Star Music.
Masayang nakuwento rin ni Jojo na nasubukan niyang umupo sa ‘blue chair’ sa office ni Roxy nu’ng pumirma siya ng kontrata at malaking bagay daw ito sa kanya dahil napabilang na siya roon.
Samantala, natanong kung magkakaroon din ng mall show si Jojo para sa promo ng album at abangan na lang daw ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.