Jojo Mendrez kasama si Rainier Castillo, netizens naguluhan

Jojo Mendrez kasama naman si Rainier Castillo, netizens naguluhan

Reggee Bonoan - March 11, 2025 - 06:14 PM

Jojo Mendrez kasama naman si Rainier Castillo, netizens naguluhan

NAGUGULUHAN kami sa takbo ng publicity slant ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez dahil sa pagkakaalam namin ay pino-promote niya ang version niya ng awiting “Somewhere in My Past” na ipinagkatiwala sa kanyang kantahain ng kompositor na si Doc Mon del Rosario.

Pero bakit puro Mark Herras ang nababanggit sa releases niya? Tapos sasabihing huwag pag-usapan ang aktor dahil ayaw ng pamilya niya.

Pero kaliwa’t kanan naman ang mga larawang magkasama sila sa iba’t ibang socmed sites na sa tingin namin ay galing din mismo sa kampo niya?

At heto pa, may bagong karakter pang kasama sa katauhan ng dating aktor na si Rainier Castillo na kaya sumikat noon sa Starstruck ay dahil ginagaya nito ang buhok ng grupong F4 o “Boys Over Flowers” na Korean series.

Baka Bet Mo: Jojo Mendrez, Rainier Castillo spotted sa hotel-casino, Mark Herras sinulot?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Na-paparazzi sina Jojo at Rainier na magkasama sa isang casino kamakailan na hindi malaman kung sadya bai tong kinunan para pag-usapan ang dalawa?

Anong nangyari na kay Mark Herras, tapos na ba ang kabanata nil ani Jojo o dalawa na sila ni Rainier na close friend ng revival king?

Sa pagkakaalam namin ay magkaibigan ang dalawa dahil pareho sila ng batch ng Starstruck 1. Share your blessings ba ang drama ng dalawang aktor?

Anyway, kung sadyang gusto ni Jojo na muling mapansin ang kanyang pagbabalik sa pagkanta ay sana mag-concentrate na lang muna siya sa mga awiting ire-revive niya tulad nga nitong “Somewhere in My Past” at ang bago niyang single na “Nandito Lang Ako”.

Ang iba pang awiting kasama sa album ni Jojo ay ang “Tamis ng Unang Halik” at in fairness nasa Spotify ang cover songs ng revival king tulad ng “Magkabilang Mundo” ni Jireh Lim at “Basta Ikaw na kinanta niya 7 years ago.

Anyway, ano ba plano ni Jojo, magkaroon ng mall show o mag-guest sa TV para sa promo ng mga “Somewhere in My Past” at “Nandito Lang Ako”?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutal dancer naman si Mark bakit hindi niya gawing guest sa mall shows niya kapag may plano siya at isama na rin si Rainer na sumasayaw din naman.

Hmm, baka tinutulungan ni Jojo ang dalawang aktor na umingay ng husto ang mga pangalan nila para magkaroon ng project di nga kaya?

Sana mapansin ulit si Jojo dahil nagustuhan ang mga kanta niya ng publiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending