Mark Herras dumami ang raket, thankful sa bashers: Parang naging stepping stone!

Mark Herras
KALIWA’T-kanan ang mga offer ngayon kay Mark Herras pagkatapos niyang ma-link kay Jojo Mendrez, ang Revival King singer.
Nabanggit ito ni Jojo na ipinakita raw sa kanya ni Mark na punumpuno ang kalendaryo niya ng projects kaya’t ang saya-saya ng aktor nu’ng huling magkita sila sa isang hotel sa Quezon City bago pumunta ng Dolphy Theater sa ABS-CBN para sa katatapos na PMPC Star Awards for TV.
Naniniwala naman kami dahil kahit kaliwa’t kanan ang namba-bash sa kanya ay hindi ito pinapansin ni Mark bagkus ay nagpapasalamat pa siya dahil sa rami ng raket niya.
Kamakailan ay isa si Mark sa guest sa “Half Time” with Teacher Stella at Senator Kokote Basketball Challenge na ginanap sa Kalumpang, Marikina City kamakailan.
Baka Bet Mo: Mark Herras sa pa-surprise bouquet kay Jojo Mendrez: ‘Just to show support!’
Sey ni Mark, “I’m doing two movies now with Netflix tapos may upcoming soap din ako with GMA tapos I’m busy doing mga raket sa labas.”
Bago magsimula ang laban sa Team Bagong Marikina versus sa kanilang mga challenger na celebrity kung saan isa si Mark ay nakapanayam muna siya ng ilang media friends.

Marikina players
Parang stepping stone raw ng aktor ang pagdumog ng bashings sa kanya.
“Oo parang naging stepping stone. Feeling ko ang generation kasi ngayon feeling nila matatalo ako ng mga intriga, ng mga issue,” sambit ng actor-dancer.
Katwiran pa ni Mark, “Twenty one years na po ako sa showbiz so, hindi na po ako naaapektuhan. Pero thankful ako with them kasi trending ako. Madalas akong mag-trending.”
Ang reaksyon ng aktor sa mga intriga sa kanya, “Hindi ko naman siya sinasadya. Hindi ko ‘yun goal. Ang goal ko talaga is pagta-trabaho talaga. Medyo makitid lang ang utak ng ibang tao eh.”
“Masaya ako kasi naiimbitahan tayo sa school para magsalita sa isang symposium. They trusted me to be their guest speaker, mukha namang may napulot sila sa mga nasabi ko,” masayang chika ni Mark.
For the nth time ay nilinaw ni Mark na magkaibigan lang din sila ng revival king na si Jojo na tiyak marami pa rin ang hindi maniniwala sa tinuran niya.
Anyway, aktibo si Mark sa celebrity basketball na sumusuporta sa mga kaibigang tatakbo sa darating na halalan sa Mayo 12.
Natanong din si Mark tungkol sa kaibigan niyang si Rainier Castillo na nakakasama na rin ni Jojo recently at inili-link ito.
“Walang issue sa amin ni Rainier, friends kami. Kasi ang mga tao lang talaga ang gumagawa ng issue. Kung sino man nagsasabi o gumagawa ng issue na may away kami sira ulo ‘yun,” saad ng aktor.
Samantala, kasamang maglaro ni Mark sa Marikina sa kanilang grupong tinawag na Challenger sina Christopher Roxas, Archie Alemania, Matt Evans, Eric Fructuoso, Jason GAiza, Gerard Acao, James Yap, at Paul Artadi.
Si Momshie Kat naman ang kanilang muse.
Pinangunahan naman ni Teacher Stella Quimbo ang Team Bagong Marikina kasama sina Kon. Jasper So, Kon. Carl Africa, Kon. Rommel Acuna, Kon. VJ Sabiniano, Kon. Bruce Fortuno, Kon. Medick Ferrer, at VM Del De Guzman.
Si Ate Ces Reyes naman ang kanilang muse.
Anyway, pangmatagalang plano sa Marikina: BTS (Baha, Trabaho at Sapatos) at muling pinagtibay ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang pangako sa pagpapalakas ng mga programang pangkabuhayan at pagtiyak ng pangmatagalang oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino, partikular sa mga taga-Marikina na ang mga industriya tulad ng paggawa ng sapatos ay may mahalagang papel sa lokal na ekonomiya.
“Hindi sapat na may trabaho lang pansamantala. Kailangan may pangmatagalang hanapbuhay na kayang bumuhay ng pamilya. We need sustainable livelihood programs that protect industries and provide job stability for workers,” sabi pa.
Bahagi ng adbokasiya ni Koko, na kampeon sa Baha, Trabaho, Sapatos (BTS) Program, na tutukan ang pagbaha, paglikha ng trabaho, at pagpapalakas sa industriya ng paggawa ng sapatos ng Marikina.
Binigyang-diin niya na ang pagpapabuti ng empraestruktura sa pagkontrol ng baha ay mahalaga hindi lamang para sa kaligtasan kundi pati na rin sa seguridad sa ekonomiya.
“Kapag baha nang baha, paano ang kabuhayan ng mga taga-Marikina? Hindi lang ito tungkol sa disaster response; this is about protecting jobs, businesses, and the local economy,” paliwanag pa ni Pimentel.
Sinuportahan ni Koko ang iba’t ibang mga hakbangin sa kabuhayan at trabaho, kabilang ang tulong para sa mga natanggal na manggagawa, digital skills training para sa pinabuting employability, medikal na suporta para sa mga healthcare worker, at pinataas na tulong ng gobyerno para sa mga maliliit at katamtamang negosyo (SMEs) para hikayatin ang mga lokal na pamumuhunan.
“We have to make sure that our workforce is competitive, that local businesses are thriving, and that policies encourage investment in industries that matter,” aniya.
Nanawagan pa si Pimentel sa gobyerno na pabilisin ang mga proyektong nagbibigay ng trabaho, tulad ng infrastructure development at digital upskilling programs, na tutulong sa mga Filipino na makakuha ng pangmatagalang trabaho.
“Ang solusyon sa kawalan ng trabaho ay hindi dapat laging short-term. The government should focus on policies that create lasting employment opportunities by improving business incentives, supporting SMEs, and ensuring that workers are well-trained and competitive,” saad ni Koko.
Tiniyak pa na patuloy niyang isusulong ang mga batas at programang nagbibigay ng seguridad sa trabaho, patas na sahod, at mas magandang kondisyon sa pagtatrabaho.
“Trabaho, hindi lang para ngayon, kundi pangmatagalan. That is what we need to prioritize,” pahayag ni Pimentel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.