Jojo Mendrez sumugod sa Kamuning Police Station, sino’ng inireklamo?
SI Mark Herras kaya ang ipina-blotter ni Jojo Mendrez sa Kamuning Police Station 10 sa EDSA, Quezon City nitong Sabado, Marso 8 sa ganap na alas-6 ng gabi?
May nakarating sa aming larawan kung saan kausap ng duty officer of the day ang Revival King na tila may hinahanap na ebidensya sa kanyang gamit.
Walang detalyeng ibinigay ang management company ni Jojo nang magtanong kami kung bakit nasa police station at sino ang inireklamo.
Naisip namin na baka nga tinuluyan nang ireklamo ni Jojo si Mark dahil sa pagbabanta nitong susunugin ang bahay niya kapag naetsupwera siya dahil sa pagpasok ng kaibigan at kapwa “StarStruck” alumni na si Rainier Castillo sa buhay ng singer.
Baka Bet Mo: Jojo Mendrez nag-audition muna bago payagang i-revive kanta ni Julie Vega
Mas naunang naging kaibigan ni Jojo si Mark at naging magkatrabaho sila sa para sa promo ng original song nitong Nandito Lang Ako base ito sa kuwento ng una nang magkaroon ng emergency presscon kamakailan.
Nabanggit ding maraming nahiram nap era ang aktor at mananayaw sa kanya na nangako namang ibabalik pero walang sinabi kung anong petsa.
Halos lahat ng pangangailangang pinansyal ng aktor at mananayaw ay ibinibigay ni Jojo kaya naman nang hilingan siyang samahan sa PMPC Star Awards for TV para maging presentor ng special awards ay um-oo naman si Mark.
Pero ilang minuto palang nakakaupo si Mark ay iniwan na niya si Jojo na ang paalam ay pupunta lang ng banyo pero hindi na bumalik.
At dito na na-stress ang huli na ginawan kaagad ng paraan ng manager nitong si David BhowieC ng Aqueous Entertainment dahil tinawagan nito si Rainier bilang kapalit ng aktor at mananayaw.
To cut the story short ay hindi tumupad si Mark sa usapan nila ni Jojo lalo’t may bayad naman siya that time.
Simula nang magkaroon ng emergency presscon ang Aqueous Entertainment for Jojo ay wala na kaming updates sa kanila ni Mark kaya nagulat kami sa larawang nasa police station ang una.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nagpadala kami ng mensahe sa pamamagitan ng Facebook messenger ni David kung ano na ang updates at sino ang pina-blotter pero hindi kami nasagot pa.
Bukas ang BANDERA sa panig ng kampo ni Jojo at ni Mark tungkol sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.