Jojo Mendrez nag-audition muna bago i-revive kanta ni Julie Vega

Jojo Mendrez nag-audition muna bago payagang i-revive kanta ni Julie Vega

Reggee Bonoan - March 03, 2025 - 09:24 AM

Jojo Mendrez nag-audition muna bago payagang i-revive kanta ni Julie Vega

Jojo Mendrez, Vince Apostol at Mark Herras

SIPAG at tiyaga talaga ang puhunan ng taong may malaking pangarap para mabago ang buhay at isa sa kanila ang singer at tinaguriang The Revival King na si Jojo Mendrez.

Napanood namin ang panayam kay Jojo sa YouTube channel ng katotong Morly Alinio na “Ito ang Tondo” at dito niya naikuwento na sipag at tiyaga ang naging sandata niya para marating ang estado niya ngayon sa buhay.

Binibiro ni Morly si Jojo na isa na siyang bilyonaryo dahil sa mga bahay nito sa eksklusibong subdibisyon sa South na hindi naman itinanggi ng mang-aawit.

“Nu’ng time kasi na nabili ko ‘yung mga lote ay mura pa noon kasi nga sa real estate ako at saka ko pinatayuan ng bahay. Kung ngayon mo bibilhin, totoong mahal na kaya dumami. Doon kasi ako nag-invest,” paliwanag ni Jojo.

Baka Bet Mo: Trulalu ba, sulat ni Jojo Mendrez para kay Mark Herras napulot ng waiter?

Bata pa lang si Jojo ay mahilig na siyang kumanta at lahat ng pakontes ay sinasalihan niya na noong una ay ayaw pa dahil mahiyain pero kailangan niyang gawin dahil ang premyong matatanggap ay pandagdag gastusin para sa pamilya.

Hanggang sa nakarating na siya ng Maynila para sa kanyang pangarap na unti-unting natutupad at kumuha pa siya ng voice lesson sa Ryan Cayabyab School of Music.


Puro covers ang kinakanta noon ni Jojo tulad ng mga awitin ng APO Hiking Society at Jireh Lim hanggang sa nagkaroon siya ng soldout concert sa Newport Performing Arts Theater noong 2018.

Paborito ni Jojo ang awiting “Somewhere in My Past” na original na awitin ni Julie Vega (SLN) na isinulat ni Dr. Mon del Rosario.

Bago naman ipinagkatiwala ito kay Jojo ay inamin nitong dumaan siya sa audition na inakala ni Morly ay kusa na itong ibinigay sa kanya.

Naghahanap daw kasi noon ng singer na kakanta ng “Somewhere in My Past” kasi nga hindi naman ito gaanong na-promote noon dahil sa maagang pagkawala ng batang aktres na si Julie at sinuwerte si Jojo dahil siya ang napili ni Ginoong del Rosario.

Ang saya-saya noon ni Jojo dahil napunta sa kanya ang nasabing awitin pero nagkaroon siya ng problema nang magkapandemya noong 2020 dahilan para mawala siya sa limelight.

Nagkaroon ng COVID si Jojo na inakalang katapusan na niya pero nakaligtas siya kaya lang hindi naman pinalad ang pinakamamahal na ama dahilan kaya siya nawala ng tatlong taon.

Taong 2024 ay naging aktibo na ulit si Jojo at tinapos na nito ang recording niya kay Marvin Querido kung saan kinanta niya uli ang “Somewhere in My Past” at nang i-release na ito ay inabot ng 50 milyon views sa social media at laging pinatutugtog sa mga radio stations.

Bukod dito ang pinaka-exciting part sa kuwento ni Jojo ay bumilib sa kanya si Jonathan Manalo ang record producer at creative director ng Star Music at ginawan siya ng sariling kanta, ang “Nandito Lang Ako” na ipinarinig niya sa launching ng “Somwhere in My Past.”

Bago pala humarap sa media noong Pebrero 25 si Jojo ay galing siya sa contract signing niya sa Star Music.

Samantala, bukod sa “Somewhere in My Past” ay ire-revive rin ni Jojo ang awiting gumawa rin ng ingay sa larangan ng musika, ang “Tamis ng Unang Halik” na orihinal ni Tina Paner at isinulat din ni Dr. Mon del Rosario.

Anyway, nasulat dito sa BANDERA ng aming patnugot na si Ervin Santiago na ang tungkol sa viral letter umano ni Jojo para sa aktor na si Mark Herras. Duda ng lahat ay sadyang iniwan ito ng kampo ng Revival King sa restaurant para pag-usapan.

Pero walang sagot ang kampo ni Jojo tungkol dito kaya’t nalimutan na ito pero bigla naming naalala ang tsimis ng mang-aawit kay Mark nang mag-post sa Facebook account nito si Vince Apostol, co-founder/producer ng Aqueous Entertainment na namamahala sa career ng singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpadala kami ng mensahe kay Vince sa messenger nito pero hindi pa kami sinasagot, hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending