Buboy binarag uli ni Angillyn Gorens: Napakasinungaling mo!

Buboy Villar binarag uli ni Angillyn Gorens: Napakasinungaling mo!

Ervin Santiago - April 07, 2025 - 08:34 AM

Buboy Villar binarag uli ni Angillyn Gorens: Napakasinungaling mo!

Buboy Villar at Angillyn Gorens

MABIGAT at matindi ang mga bagong akusasyon ni Angillyn Gorens laban sa dati niyang karelasyon na si Kapuso comedian at host Buboy Villar.

Hindi basta nanahimik si Angillyn sa mga naging pahayag ni Buboy sa panayam nito sa “Fast Talk with Boy Abunda” tungkol sa naging relasyon nila at sa mga isyung kinasasangkutan nila.

Mariing pinabulaanan ni Buboy na sinaktan niya ang dating karelasyon tulad ng ipinost nito sa kanyang Facebook account noong March 26.

“Tito Boy, pananakal, panununtok, hindi ko kayang gawin ‘yan. Hindi ko po magagawa sa kaniya ‘yan. Nagpapa-dede siya ng anak namin, nakikita ko ‘yun, sasakalin ko po, or mayroon pa po akong nabasa na tinutukan ko po siya ng kutsilyo.

“Sa pagtutok ng kutsilyo, pananakit, nakita ko ‘yung mga pasa sa screenshot. Ang hirap nito Tito Boy na parang sabihin in public sa problema, kasi hindi po talaga galing sa akin ‘yun,” depensa ni Buboy.

Sey pa ng aktor, “Kahit kailan, hindi pumasok sa isipan ko po na ilagay ang aking mga kamay sa kaniya o saktan siya. Hindi ko po gagawin ‘yun, napakalabo, mahal na mahal ko po ‘yung mga anak ko. May respeto po ako sa kaniya, minahal ko po siya, hindi ko po gagawin sa kaniya ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ko po siya pinagbuhatan ng kamay, hindi totoo na (sinakal ko siya habang nagpapadede). Wala po akong kinalaman,” aniya pa.

Kasunod nito, nag-post nga uli si Angillyn sa Facebook nitong April 6, kung saan tinawag niya siya Buboy na “napakasinungaling”. Narito ang kabuuan ng post ni Angillyn.

“Buboy villar.. 1 week ka nag practice ng script?? ginagawa mo pako sinungaling at baliw? nakakalimutan mo na bang sinasaktan moko lalo pag wala kang __??”

“Galit na galit ka at wala ka sa ayos. pag wala kang ganon nag aaway tayo kasi panahon ni duterte natatakot ako na matokhAng ka. ideny mo ha? hahaha. and last DAHIL NAPAKASINUNGALING MO,” sabi ni Angillyn.

Tungkol naman sa isyu ng sustento ni Buboy sa kanilang mga anak, “Kelan ka nag bigay ng 120k?? gusto ko icomment mo dito or ipost mo yung proof mo na nag bigay ka ng 120k na sustento.

“10th at 25th ng month SABI MO tag 60k binibigay mong sustento at nagkakahalagang 120k SABI MO YAN SA INTERVIEW malinaw na malinaw hahaha bakit hindi mo rin na mention na 1 and a half YEAR 0 pesos binigay mo.

“At napakarami mong utang sa mama ko na sinasabi mo babayaran mo pero di na pinabayad sayo nagmumuka kaming pera sayo kapal ng mukha mygoodness,” esplika pa ni Angillyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang sagot si Buboy sa panibagong pasabog na pahayag ng dati niyang partner. Bukas ang BANDERA sa magiging paglilinaw ng Kapuso actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending