Buboy Villar nagkukulang ng panahon sa mga anak: I'm so sorry

Buboy Villar umaming nagkukulang ng panahon sa mga anak: I’m so sorry!

Ervin Santiago - April 08, 2025 - 12:05 AM

Buboy Villar umaming nagkukulang ng panahon sa mga anak: I'm so sorry!

Buboy Villar at Angillyn Gorens

NAKARARAMDAM din ng “guilt” ang Kapuso host-comedian na si Buboy Villar kapag alam niyang nagkukulang siya ng panahon sa kanyang mga anak.

Emosyonal na ibinahagi ng komedyante ang ginagawa niyang pagsasakripisyo at paghihirap para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng mga anak niya sa dating partner na si Angillyn Gorens.

Aminado naman si Buboy na may mga pagkakataon na hindi talaga niya nakakasama ng mahabang oras ang mga anak dahil kailangan niyang magtrabaho.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nabanggit ni Buboy na apektado siya kapag naghahanap ng mas mahabang panahon ang mga anak na magkakasama sila.

“Nararamdaman ko po ‘yon. Nararamdaman ko po lalo na po sa mga yakap ng mga anak ko. Nararamdaman ko ‘yun Tito Boy na kapag, ‘Papa, I miss you. Papa, I want to be with you.’

“Pero siyempre Tito Boy sinasabi ko sa mga anak ko, ‘I’m so sorry. Hindi kaya ni Papa talaga minsan 100% ‘yung oras sa inyo kasi Papa needs to work. O, how can I buy your milk?'” lahad ni Buboy.

“‘How can I buy whatever you want if papa doesn’t work? Papa wants that too. Papa wants that to be with you always,'” aniya pa.

Patuloy pa niya na nagsimula nang maluha, “Alam ko po, sa sarili ko po ‘yun, na kung puwede lang araw-araw, kasama ko ‘yung mga anak ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sila na nga lang ‘yung lakas ko. Sila na nga lang ‘yung nagpapatibay sa akin. Sila po ‘yung tinitingnan ko Tito Boy. Minsan sa trabaho namin nakakapagod.

“Pero ‘pag tinitingnan ko sila, ‘pag tinitingnan ko ‘yung contents ko, nakikita ko ‘yung mga tawa ng anak ko, nakikita ko ‘yung halik ng anak ko, it touches my heart,” ani Buboy.

“‘Yun po ‘yung pakiramdaman ko Tito Boy. Parang kasama ko sila roon sa trabaho na ‘yun,” dugtong pa niya.

Nagkaroon sila ng kasunduan noon si Buboy at si Angillyn pati na ang mga magulang nito, tungkol sa sustento para sa mga bata.

Hanggang sa ipatawag siya sa opisina ng Violence Against Women and their Children (VAWC) noong nagdaang taon matapos ireklamo ng pamilya ni Angillyn.

Naayos naman daw ang isyu nang mangako si Buboy sa halaga ng financial support na dapat niyang ibigay sa mga bata, bukod pa sa mga gastusin sa pag-aaral ng mga ito.

Pero aminado si Buboy na may mga  pagkakataon na hindi agad niya naibibigay ang sustento para sa mga anak kaya ang nanay ni Angillyn muna ang sumasagot sa mga gastusin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong nagdaang linggo, inakusahan ni Angillyn si Buboy ng pisikal na pananakit at napapabayaan na umano ang kanilang mga anak. Pero mariin naman itong itinanggi ng Kapuso actor.

Inamin din ni Buboy na may bago na rin siyang karelasyon ngayon, ang non-showbiz na si Khrizza Sampiano. Biniyayaan na rin sila ng isang anak na three months old na ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending