Pooh ‘pahinga’ muna sa showbiz: Quality of life na yung hinahanap mo

Pooh
BAKIT nga kaya parang hindi na masyadong aktibo ngayon sa mundo ng showbiz ang komedyante at host na si Pooh?
Maraming supporters ang veteran stand-up comedian ang nagtatanong kung ano na ba ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon at bakit wala na siyang gaanong acting projects.
Sinagot naman iyan ni Pooh nang mag-guest siya sa online show ng GMA 7 na “Your Honor” hosted by Tuesday Vargas and Buboy Villar.
Ayon kay Pooh, desisyon niya talaga ang mag-rest muna sa showbiz para raw mabigyan niya ang sarili na i-enjoy ang life kasama ang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay.
Ngayon daw ay marunong na siyang mag-“me time” kumpara noon na talagang nagpapakamatay na siya sa pagtatrabaho.
Pero nilinaw naman ng Pooh na hindi niya totally tatalikuran ang showbiz lalo na ang pagpapatawa. Open pa rin naman daw siya sa pagtanggap ng mga project.
View this post on Instagram
Sey ni Pooh, talagang may mga kino-consider na siya ngayon kapag tumatanggap ng work at mga raket na nagsimula noong pandemic. Marami raw siyang na-realize sa buhay lalo na ang pagbibigay halaga sa kalusugan.
“Binabalanse ko na lang yung life. Kumbaga as you go old din naman, hinahanap mo na rin yung pahinga.
“Sa ngayon parang quality of life yung hinahanap mo. Tapos priority na ang makapagpahinga, me time,” pahayag pa ng komedyante.
In fairness, sa ilang taon niyang pagtatrabaho at nakapag-ipon na rin naman siya at nakapagpundar ng ilang properties.
Taong 1998 nang magsimulang magtrabaho sa comedy bar si Pooh at 2003 nang pasukin na niya ang pag-artista.
“Noong pandemic nalaman ko yung kuwarto ko pala may 108 na tiles, yung kisame ko pala, ‘Ay! Yun pala hitsura niya.’
“Kasi dati sa sobrag busy mo, pupunta ka roon, kukuha ka lang ng damit, idlip ka lang, pagkakain, alis,” pagbabahagi ni Pooh.
Sa ngayon daw, nagagawa na niyang magwalis-walis sa kanyang bahay at enjoy na enjoy din siyang humilata sa kanyang sofa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.