Stand-up comedian Didong Dumadag pumanaw na sa edad 47

Stand-up comedian Didong Dumadag pumanaw na sa edad 47

Ervin Santiago - August 12, 2024 - 11:13 AM

Stand-up comedian Didong Dumadag pumanaw na sa edad 47

Didong Dumadag at ang mga kaibigang stand-up comedian (Photos from Arnell Tamayo FB)

PUMANAW na ang stand-up comedian at “It’s Showtime” Miss Q&A contestant na si Didong Dumadag nitong Sabado, August 10. Siya ay 47 years old.

Nadala pa sa si Didong sa MCU Hospital  sa Caloocan City pero hindi na siya na-revive ng mga doktor matapos magkaroon ng hemorrhagic stroke.

Bago ang pagkamatay ng komedyante, nakapag-taping pa siya bilang isa sa mga contestant ng Kapuso game show na “Family Feud” hosted by Dingdong Dantes last Friday, August 9.

Baka Bet Mo: Stand-up comedian at dating co-host ni Amy Perez sa ‘Face To Face’ pumanaw na

Pagkatapos nito ay balitang dumiretso na si Didong sa Hideout Comedy Bar sa Caloocan City kung saan siya regular na nagpe-perform.

Dakong 10:45 p.m. habang nasa dressing room si Didong, ay bigla na lamang daw sumakit ang kanyang ulo hanggang sa nabubulol na ito sa pagsasalita.


Mabilis na dinala sa sasakyan ng mga sumaklolo sa komedyante para dalhin sa ospital hanggang sa nawalan na raw ito ng malay.

Base sa resulta ng CT scan, nadiskubreng may pagdurugo sa utak ni Didong na naging dahilan kaya nahirapan siyang huminga at nakaapekto sa kanyang puso.

Sa Facebook account ng stand-up comedian makikita ang kanyang mga litrato at video nang pagsali niya sa “Family Feud” kung saan makikitang super happy and excited siya sa kanyang guesting.

May post pa siya na kuha sa dressing room ng show habang naghahanda sa pagsalang niya sa taping kasama ang iba pang stand-up comedians na nagpe-perform sa Vice Comedy Club, ang comedy bar na pag-aari ni Vice Ganda.

Baka Bet Mo: Michael V aprub ang Golden Globes performance ni Jo Koy: ‘It’s funny, direct…’

Sa Facebook post ng kaibigan ni Didong na si Brenda Mage, sinabi nitong hindi pa rin siya makapaniwala na patay na ang komedyante na sinasabing kamukha niya.

“Ang hirap hirap isipin talaga na wala ka na Ding… 2014 lagi na tayo pinagkakamalan… magkasama tayo sa bahay tayo lang dalawa ng nakakaalam lahat ng mga bagay bagay.

“Ang dami na natin pinagsamahan. Ang sikip sa dibdib pag naiisip ko ‘yung mga kwentuhan at kalokohan natin… Haaaist amg hirap talaga…. 10 years natin pagkaibigan hindi lang kaibigan ang nabuo para na tayong kambal talaga,” simulang pagbabahagi ni Brenda Mage.


Patuloy pa niya, “Ang bigat sa dibdib sobra. Ang lungkot ko talaga Ding. Naaawa ako iniisip ko si Milagros at si Bungol… inaasar mo si Milagros, mauuna ka pa pala sa kanya Giatay ka uy…..Samok kaayo jud ka….mao na lugar to imo paalam sa ako pag tawag nimo? Atay ka uy…. Mamiya man ka.

“Paalam my beloved barang sister. Mahal na mahal ka namin Ronnie Dumadag,” dagdag mensahe pa ni Brenda.

Ang labi ni Didong ay nakaburol sa Floresco North Mortuary Zadiel Chapel, 595 McArthur Highway sa Caloocan City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanawagan naman ang naulilang pamilya ng komedyante na kung maaari,  sa halip na bulaklak, ay pera na lamang ang ibigay na abuloy para may magastos sila sa burol at libing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending