Arnold Clavio nagte-therapy na matapos ang hemorrhagic stroke

Arnold Clavio nagsimula na ng therapy matapos ang hemorrhagic stroke

Therese Arceo - June 21, 2024 - 06:52 PM

Arnold Clavio nagsimula na ng therapy matapos ang hemorrhagic stroke

KASALUKUYANG sumasailalim ang Kapuso news anchor na si Arnold Clavio sa physical therapy matapos siyang magkaroon ng hemorrhagic stroke.

Sa kanyang Instagram post nitong June 19, ibanahagi niya ang ilan sa mga updates matapos ang naranasang stroke.

“June 14,2024 , tatlong araw matapos na makaranas ako ng HEMORRHAGIC STROKE , nagpasya ang medical team ng @stlukesmedicalcenter na mula sa Acute Stroke Unit (ASU) ay ilipat na ako sa regular room,” panimula ni Arnold.

Kahit na nasa regular room na siya ay hindi pa rin tapos ang laban bagkus nagsisimula pa lang dahil sasailalim siya sa mga therapy.

Baka Bet Mo: Arnold Clavio may slight bleeding sa utak, nagka-hemorrhagic stroke

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

“Dahil sa pagdurugo ng left side ng aking utak, na nagdulot ng hemorrhagic stroke, nagresulta ito ng pamamanhid ng kaliwang bahagi ng aking katawan. Natigil kasi ang normal na pagdaloy ng dugo at ang nadale na bahagi ng utak ay ang ‘thalamus’ area,” kuwento ni Arnold.

Para sa kaalaman ng lahat, ang pangunahing tungkulin ng thalamus ay ang maghatid ng mga motor at sensory signal sa cerebral cortex. Kinokontrol din nito ang pagtulog, pagkaalerto, at pagpupuyat.

Kaya naman sumailalim si Arnold sa iba’t ibang ehersisyon sa braso, binti, at paa para unti-unting bumalik sa normal ang kanyang kilos at galaw.

Ayon pa sa news anchor ay maaaring tumahal ng apat hanggang anim na linggo ang kanyang rehabilitation.

Chika pa ni Arnold, “Kailangan ding maibaba pa ang aking blood pressure at sugar para di na maulit ang pagputok sa aking utak . Kaya sinimulan na rin ang akong turukan ng insulin at mga gamot sa blood pressure at pagbaba ng cholesterol.”

Payo naman ng mamamahayag na dapat ay madalas na magpa-check ng blood pressure at hindi porke walang nararamdaman ay ok na agad.

Hirit pa ni Arnold, “Magpahinga ka. Ang trabaho hindi yan nauubos pero ‘yung time at lakas mo baka paubos na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kanina ay muling nagbahagi ng Instagram update ang GMA news anchor at sinabing sumailalim na rin siya sa occupational therapy.

“Sa proseso ng OT , sisikapin na maibalik ang sensor o pakiramdam ng aking mga kamay . Dahil sa hemorrhagic stroke , labis na naapektuhan ang aking kanang kamay,” lahad ni Arnold.

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga taong pinagdaraaap ang kanyang agarang paggaling.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending