Sarah Balabagan bumuwelta kay Arnold Clavio, kampi kay Duterte

Sarah Balabagan bumuwelta kay Arnold Clavio, ipinagtanggol si Duterte

Ervin Santiago - March 20, 2025 - 01:28 PM

Sarah Balabagan bumuwelta kay Arnold Clavio, ipinagtanggol si Duterte

Sarah Balabagan at Arnold Clavio

KINONTRA ni Sarah Balabagan Sereno ang mga hirit ng broadcast journalist na si Arnold Clavio patungkol sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Matapang na sinagot ni Sarah ang mga pahayag ni Igan hinggil sa nangyayari ngayon kay Duterte na kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC para sa paglilitis ng umano’y nagawa niyang “crimes against humanity.”

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Arnold ng cryptic post na may kaugnayan sa mga nagsusulong ng prayer rally na pinaniniwalaang para sa mga tagasuporta ni Duterte.

Mababasa sa post ng mamamahayag, “Para saan ang prayer rally kung hindi naman naniniwala sa Diyos ang ipinagdarasan ninyo?”

Ang nakalagay namang caption sa kanyang Instagram post, “EHEM: Narinig ko lang sa jeep. May tama ba sila?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Balabagan Sereno (@therealsarahbalabagan)


Sa kanyang Facebook post naman, binasag ni Sarah ang pahayag ni Arnold tungkol sa “prayer rally.” Ni-repost nito ang quote card mula sa “Paolo Duterte Supporters” FB page.

Ang bwelta ni Sarah sa tatay daw ng kanyang anak, “Arnold Huwag mong maliitin Ang power ng UNITY PRAYERS! ‘the prayer of a righteous man is powerful and effective’ is James 5:16.

“Ako mismo ay bunga ng unity prayers ng mga Filipino,” ani Sarah na nagsabi ring naranasan na niyang utuin at mapagsamantalahan.

Kung pagbabasihan ang mga post ng dating OFW sa social media, mukhang isa siya sa mga die hard supporter ni Duterte.

Isa ito sa mga post niya sa FB: “Some people said, he is not a good man, which I agree naman because for me he is a great man and a great leader!

“I know he is not perfect, he has flaws, he is a sinner but hey, sino ba ang hindi nagkasala? in John 8:7 ‘They kept demanding an answer, so he stood up again and said, ‘All right, but let the one who has never sinned throw the first stone!’

“Hindi matatawaran ang Magagandang nagawa niya sa pilipinas at Ang mamamayang Pilipino Ang nakinabang. Hindi lang ang pagiging fanatic. Ang Nakakabulag kundi maging Ang pag kagalit mo sa isang tao ay nakakabulag din dahil tanging Ang mga Mali at masasama lang Ang makikita mong ginawa niya.

“Kaya kung ikaw ay galit at ayaw mo sa kanya, huwag  mo na akong idamay, e respeto mo nalang Ang aking pananaw at ganun din ako sayo. Praying for the Philippines and Praying for #FPRRD @highlight  OPINION KO ‘TO, MY FB. MY RULES!” dagdag pa ni Sarah.

Base sa mga ulat noong kasagsagan ng kontrobersyang kinasangkutan ni Sarah,  dati siyang migrant worker sa United Arab Emirates na nabilanggo sa kasong murder matapos umanong ipagtanggol ang sarili sa kanyang employer, na humalay sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nahatulan siya roon ng parusang kamatayan pero napababa ang sentensya sa kanya sa tulong ng Philippine government.

Nu’ng panahong yun, si Arnold ang nag-cover sa kaso ni Sarah hanggang sa makauwi na nga ng Pilipinas ang OFW at naging media sensation.

Panandalian niyang pinasok ang showbiz at naging singer ngunit bigla siyang nawala sa eksena at napabalitang nabuntis.

After 22 years, sa pamamagitan ng Facebook Live ay inilantad ni Sarah na si Arnold daw ang tatay ng kanyang panganay na anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Igan sa mga naging pahayag ni Sarah tungkol sa isyu ng prayer rally.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending