Bong Go naawa kay Duterte: Alam n'yo bang wala siyang tsinelas?

Bong Go awang-awa kay Duterte: Alam n’yo bang wala siyang tsinelas?

Ervin Santiago - March 16, 2025 - 04:24 PM

Bong Go awang-awa kay Duterte: Alam n'yo bang wala siyang tsinelas?

Bong Go at Rodrigo Duterte

AWANG-AWA si Sen. Bong Go kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nang arestuhin ito at dalhin sa The Hague, Netherlands.

Kuwento ng senador at kilalang malapit na kaibigan ni Duterte, nakapaa lang daw ang dating Presidente nang lumipad patungong The Netherlands matapos arestuhin ng mga otoridad sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

“Alam n’yo ba wala siyang tsinelas? Pati tsinelas, pati tsinelas niya wala. Nakapaa. Huli naming pag-uusap nasa eroplano pa siya. Sabi ni Atty. (Salvador) Medialdea, nakapaa siya,” pahayag ni Go.

Si Medialdea ay dating Executive Secretary at tumayong legal counsel ni Duterte sa Pre-Trial Chamber I noong Biyernes, March 14.

Humarap naman si Sen. Go sa publiko sa isinagawang prayer rally na “Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong” ng PDP-Laban sa Liwasang Bonifacio nitong Sabado, March 15.

Kuwento pa ni Go, hindi umano binibigyan ng gamot si Duterte habang nasa kustodiya ng ICC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ikuwento ko lang sa inyo ‘yung huli kong balita kay Tatay Digong. Alam n’yo nakausap ko kaninang madaling araw si Atty. Medialdea pagkatapos ng hearing nila saka si Ma’am Honeylet.

“Kaya siya (Duterte) ganu’n magsalita (sa ICC Pre-Trial hearing), dalawang dahilan – maaaring nag-a-adjust siya sa oras at ang pinakamasakit sa lahat ‘yong sinabi sa akin ni Atty. Medialdea na hindi binibigay sa kanya ‘yung gamot niya.”

“Alam n’yo ba, ni hindi nga niya alam kung ano ‘yong gamot na iniinom niya, binibigay sa kaniya ng nurse niya.”

“Anong gustong gawin nila kay Tatay Digong? Kung kaya nilang ipadala si Tatay Digong doon, gawan n’yo ng paraan kung paano siya ibalik dito,” aniya pa.

Last Friday, March 14, humarap na nga si Duterte sa ICC para sa Pre-Trial hearing sa pamamagitan ng video link. Dito sinabi ni Medialdea na kasalukuyang may “medical issues” si Duterte.

Pero ayon naman kay ICC Presiding Judge lulia Antoanella Motocna, base raw sa opinyon ng doktor ng korte, “fully mentally aware and fit” naman si Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nakatakda sa September 23, 2025 ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo na humaharap sa mga nagawang “crimes against humanity” na nag-ugat sa ipinatupad niyang war on drugs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending