Derrick Monasterio hindi kayang magpakita ng ‘talong’, bukol pwede

Royce Cabrera at Derrick Monasterio
HANGGANG pagpapasilip lang ng “bukol” ang kayang gawin ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio, tulad ng mga underwear photoshoot.
Feeling ni Derrick, hindi niya keribels ang mag-frontal nudity o magpakita ng “talong” sa harap ng mga camera para sa isang pelikula.
Sa guesting ng Kapuso star sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay napag-usapan ang tungkol sa pagpapakita ng private parts ng mga male stars sa mga ginagawa niyang acting projects.
Nakasabay ni Derrick sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” ang kapwa Kapuso hunk na si Royce Cabrera na minsan nang nagpakita ng “talong” sa isa niyang indie film na naging entry sa Cinemalaya.
Ang tinutukoy ng binata ay ang pelikulang Fuccbois na ipinalabas noong 2019 na idinirek ni Eduardo Roy, Jr..
Chika ni Royce, “May nagawa na kasi po akong film before. Kasama ko dito sina Kokoy (De Santos) si Direk Ricky Davao, ’yung sa movie sa Cinemalaya. Nagawa namin du’n.”
View this post on Instagram
Kahit daw nagpakita siya ng kanyang pagkalalaki da naturang movie, wala raw siyang pinagsisihan dahil doon daw siya nagsimulang makilala at maganda naman ang kinalabasan ng pelikula.
Nang tanungin naman si Derrick kung kaya ba niya ang ginawa ni Royce, “Feeling ko, ‘di ko kaya. Parang sobrang revealing, e. Parang for me ‘yung mga ganu’ng bagay para sa mapapangasawa mo lang.”
Inamin din ni Derrick na may pagkakataon na pakiramdam niya ay nao-objectify ang kanyang katawan lalo na nang tanggapin niya ang pagiging endorser ng isang underwear brand.
“Pero iniisip ko na lang na wala namang alam ‘yong mga taong ‘yon sa buhay ko, and ano ‘yong mga napagdaanan ko, and ano ‘yong napag-aralan ko,” saad ni Derrick.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.