Maris naging marupok sa pag-ibig: Sinaktan ako pero pinagkakitaan ko!
NAGING mahina at marupok din ang puso at isip ng Kapamilya actress na si Maris Racal pagdating sa usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Inamin yan ng dalaga nang tanungin ng BANDERA kung naranasan na rin nila ang maging marupok sa love at kung paano siya muling bumangon at nag-move on.
Sa naganap na presscon ng kanyang pelikulang “Marupok A+” nitong nagdaang Huwebes ng gabi sa My Cinema ng Greenbelt 3, sinabi ni Maris na matindi rin ang pinagdaanan niya when it comes to love.
Baka Bet Mo: Mimiyuuuh hiniwalayan ng dyowa sa pamamagitan lang ng text message: Sobrang na-shock po ako!
“Kung ang movie natin A+, ako marupok AF. As in. Naalala ko sa sobrang rupok ko at broken hearted, nakagawa ng album.
View this post on Instagram
“Pinagkakitaan ko yung mga ginawa sa akin kasi hello kailangan ko ng pera. It’s me taking my power back, ‘Sinaktan mo ako, I’m gonna write a song about you,'” ang pahayag ng girlfriend ng OPM icon na si Rico Blanco.
Dagdag ng dalaga, “Well, especially noong early 20s ko, grabe yung karupukan ko talaga, as in. Deep breaths ganun, yung pamilya ko, deep breaths, yung mga kaibigan ko.
“I think lahat naman dinaanan yun. Dadaan tayo sa karupukan at diyan tayo natututo,” paliwanag pa ni Maris sabay tanong sa amin ng, “Kayo po, naging marupok din ba kayo?” sabay tawanan ng mga nasa venue ng presscon.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake hindi na raw magpapa-victim sa love: Pag naging marupok ako unsubscribe na po
Sinagot naman namin si Maris na tulad niya at ng halos lahat ng tao sa mundo ay naging marupok din kami. Ha-hahahaha! At talagang nag-explain kami kay Maris!
View this post on Instagram
Hirit pa ng lead star ng “Marupok A+, “Ang importante what you do after being broken hearted is….maging marupok pa rin. Ha-hahahaha!”
Ang dating title ng “Marupok A+” ay “Marupok AF (Where is The Lie)” na ipinaalabas sa Cinemalaya Film Festival 2023, mula sa direksyon ni Quark Henares under Anima Studio at First Cut Lab.
Kasama ni Maris dito sina EJ Jallorina at Royce Cabrera, kung saan ang kuwento ay iikot sa usung-uso ngayong catfishing at online predators na gumagamit ng fake identities sa mga online dating apps.
Sa pelikula, gumaganap si Maris bilang Beanie/Theo na gagawin ang lahat para mahuli ang loob ni Janzen (EJ) sa tulong ni Dennis (Royce) na magpapanggap bilang si Theo.
Paglalarawan ni Maris sa kanyang super dark at mean character sa kuwento, “Actually before, si Irene Tiu (role niya sa Can’t Buy Me Love), di ba, si Irene Tiu is dark din also, naging likeable at the end.
“Ginawa ko si Beanie first, and she’s the darkest character I’ve ever portrayed. And there’s pressure talaga kasi galing ako sa mga wholesome roles, sa mga mababait na characters, so there was really a challenge for me.
“So, I watched so many films na edgy and outspoken, very sociopathic. Ganun yung preparation ko just to get in the world of a person na ganun yung ugali,” aniya.
Wala naman daw fear na nararamdaman si Maris sa pagganap ng mga dark roles, “I think nangyayari naman talaga yun, kasi kahit siguro sa history may mga fans talaga yung mga kontrabida.
“Hindi ko alam bakit, palaaway ba ang mga Pinoy kasi hindi ko alam bakit nagugustuhan?” aniya pa sabay pasalamat sa lahat ng pumuri sa pagganap niya sa movie.
Samantala, tungkol naman sa intimate scene na ginawa niya sa movie, “Hindi ‘to alam ng family ko. Hindi alam ni Mama ‘tong film na ‘to, ang alam niya lang Can’t Buy Me Love sa TV.
“Pero yung nga ganitong pelikula hindi niya pa napapanood ‘cause my mom is like Mama Mary. Kapag siguro mga 80 years old na sila, hindi na sila makasampal,” natatawang biro ng aktres.
Showing na ang “Marupok A+” sa lahat ng Ayala Malls Cinema simula July 10. Kasama rin dito sina Gabby Padilla, Chai Fonacier, at may special participation din si Cristine Reyes.
The movie was awarded Special Jury Recognition at the 2023 Los Angeles Asian Pacific Film Festival and it also premiered at the 2023 Slamdance Film Festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.