Zeinab Harake hindi na raw magpapa-victim sa love: Pag naging marupok ako unsubscribe na po | Bandera

Zeinab Harake hindi na raw magpapa-victim sa love: Pag naging marupok ako unsubscribe na po

Therese Arceo - June 14, 2022 - 07:16 PM

Zeinab Harake hindi na raw magpapa-victim sa love: Pag naging marupok ako unsubscribe na po

VIRAL ngayon ang vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake matapos itong maging parte ng Aurora Fest 2022, isang music festival na ginanap sa Clark, Pampanga.

Hindi inaasahan ng madlang pipol na makikita nila ang vlogger sa Day 2 naturang event kung saan isa rin sa mga nag-perform ang dati niyang karelasyon na si Skusta Clee o si Daryl Ruiz sa tunay na buhay.

Kung ang Ex-Batallion member ay sinalubong ng pambabatikos ng audience nang mag-perform ito sa Day 1 ng music festival, palakpakan na may kasama pang sigawan naman ang bungad ng mga ito nang mag-perform si Zeinab.

Sa kanyang vlog ay ibinahagi ng ina ni Baby Bia ang kanyang naging experience sa kauna-unahan niyang pagbabalik stage at pagpe-perform sa harap nang maraming tao matapos ang dalawang taong pagtigil nito buhat nang nagsimula ang pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Kwento niya, hindi talaga planado ang kanyang appearance dahil ang plano niya lang ay panoorin sina Arthur Nery, Ben & Ben, at December Avenue kaya siya nagpahanap ng ticket.

Nang malaman daw ito ng event organizer ay tinanong agad nito ang kanyang handler kung nais ba ni Zeinab na mag-perform na agad niyang sinang-ayunan.

Bagamat may anxiety pa ring nararamdaman ang isa sa mga kontrobersyal na personalidad sa social media ay inilaban niya ang pagpe-perform para sa kanyang sarili at para na rin sa kanyang mga taga-suporta.

“Sabi ko okay lang yung surprise kasi hindi ako magpa-panic na expected na ng tao na nandoon ako kasi hindi ko pa kaya pero unti-unti, nag-go ako. Happy ako to be here,” pagkukwento ni Zeinab.

Dagdag pa niya, hindi raw siya magpapabayad ng talent fee sa kanyang performance dahil para nga ito sa kanyang sarili at sa mga “Zebbies” na sumusuporta sa kanya.

“Ginagawa ko to hindi dahil sa pera or what. Masaya akong ginagawa ito kasi ito talaga ako and gusto kong mabalik ‘yung dating ako na napapasaya kayo palagi.”

Matapos ang kanyang performance ay nakipagkulitan muna si Zeinab sa audience at sinabing hindi na siya magiging marupok.

“Gusto kong pasayahin yung mga tao katulad ng kung paano nila ako napapasaya ngayon. Malaki po ang utang na loob ko sa lahat… pinakita n’yo kung gaano n’yo kami kamahal na mag-ina. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat…Lalaban para sa anak at hinding-hindi na magiging marupok,” proud na sabi ni Zebby na ikinahiyaw ng buong crowd.

Hirit pa niya, “Zeinab Harake 2022 hindi na marupok, hindi pa pokpok.”

May isa pang video na kumakalat sa social media kung saan may isang netizen ang nagsabi sa kanya na huwag na siyang magiging marupok.

Noon kasi ay ilang beses niyang pinatawad ang partner na si Skusta Clee ngunit sa huli ay niloko pa rin siya at tila ipinagpalit sa ibang babae.

“Hindi na. Kapag naging marupok pa ako, unsubscribe na po. Ako na nagsasabi, paki-unsubscribe [n’yo] na po ako,” sey ni Zeinab.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending