Zeinab Harake na-experience ang pagiging 'attitude' ni Ivana Alawi | Bandera

Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

Therese Arceo |December 20,2021
facebook
share this

Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

Therese Arceo - December 20, 2021 - 08:58 PM

Zeinab Harake na-experience ang pagiging 'attitude' ni Ivana Alawi

HINDI inaasahan ng social media influencer na si Zeinab Harake na personal niyang mae-experience ang attitude problem ng aktres at kapwa vlogger na si Ivana Alawi.

Nakatakda kasing magkaroon ng collab o collaboration ang dalawa para sa kani-kanilang YouTube vlogs.

Ito ang unang pagkakataon na magkikita ang dalawa kaya naman nabigla si Zeinab sa ipinakitang ugali ni Ivana sa kanyang mga staff.

Una pa lang ay tila diva na ang dating ng actres-vlogger nang umakyat siya sa location ng kanilang shoot.

Mas nailang si Zeinab nang sa mismong harapan niya ay tinatarayan na ni Ivana ang kanyang stylist habang namimili ng damit.

Nang magsimula na sila ng kanyang mukbang vlog ay nagkaroon rin sila ng Q&A.

Pero uminit ang ulo ni Ivana ng tila hindi nag-research ang kanyang staff base sa mga line of questions na inihanda nito.

To the rescue naman si Zeinab sa staff ni Ivana at siya na lang ang nagtanong kay Ivana.

“‘Yung masaya na lang. Kailan po magdyodyowa ang isang Ivana Alawi,” tanong ni Zeinab.

Hindi naman nagustuhan ng road manager ni Ivana ang tanong ni Zeinab at sinabihan itong iwasan ang personal questions.

Mas lalong tumindi ang tensyon nang mataray na inawat ni Ivana ang talent manager sa ginawang pagsita sa kaniyang bisita. Nagkasagutan rin ito dahil sa muling pag-remind ng road manager na kailangan pasalamatan ang restaurant dahil ex-deal ang kanilang venue.

Sinubukan naman ni Zeinab na pakalmahin ang aktres dahil sa tensyon na nagaganap.

“Pasensya ka na sa mga tao ko, mga unprofessional minsan. Parang first time nila,” hinging paumanhin ni Ivana.

Pilit namang pinapakalma ni Zeinab ang aktres na nai-stress na sa mga nangyayari.

Pero mas lalong tumindi ang tensyon nang sabihin ni Ivana na tila naiilang silang dalawa sa isa’t isa.

Dito ay tinanong na ni Ivana kung gusto ba ni Zeinab na i-resched na lang ang kanilang vlog dahil sa mga nangyayari.

“Mag-resched tayo kasi parang hindi kami comfortable sa isa’t isa. Ayaw ni Zeinab na mag-video din. Nahihiya siya sa mga questions,” saad ni Ivana.

“Hindi naman sa ayaw kong mag-video. Ano lang,” naputol na saad ni Zeinab dahil sa pagsabat sa kanya ng aktres.

“Hindi, parang kasi kanina pa eh… na parang sabi mo tapos bigla kang tumitigil,” sey ni Ivana.

Nawindang naman si Zeinab sa sinabi ni Ivana pero kalmado pa rin niyang sinabi ang kanyang side.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

“Kasi te, ano nga. Nagkakaron ng like halimbawa may questions akong ibibigay sa ‘yo, ang nangyayari may nagiging error. So ikaw, nagboblow up,” paliwanag ni Zeinab.

“Hindi, parang may gusto kasi akong sabihin. It’s a prank!” natatawang saad ni Ivana sabay yakap sa nalolokang si Zeinab.

Agad namang napamura si Zeinab.

“T*ngin*! Pinipilit kong ikalma ‘yung sarili ko kasi naaawa na din ako kay Kuya (waiter na kasabwat ni Ivana).

“Sabi ng PA ko, ‘Madam, okay ka lang ba?’ Sumesenyas siya. Kasi sabi ko, ‘Ugh!’ Pinipilit kong… baka kasi pumutok ako, may tama rin kasi ako,” mahabang sabi ni Zeinab.

Napansin rin niya sa huli ang CCTV at muling napamura sa halo halong emosyon na nadarama.

“Collab po ipinunta ko dito, happiness.

“Sabi ko baka mag-prank si Ivana. Pwedeng i-prank niya ako pero yung content kasi mukbang. Hindi naman niya gagawin ‘yung nilason niya ‘yung sarili niya. Iba pala ‘yung ginawa.

“Teka lang, hinga lang ako,” pagpapatuloy ni Zeinab.

Sa huli ay ikinuwento ni Ivana kung paano nila pinlano ang pagpa-prank kay Zeinab.

Muntik pa nga raw siyang maiyak dahil naaawa na siya sa mga tao.

Humanga naman si Ivana kay Zeinab sa pagiging chill at mabait nito.

“Super love ka namin. At talagang nakita n’yo ang pasensya ni Zeinab na kahit nandoon na ‘yung pasensya ko, chill pa rin siya tsaka kino-comfort pa niya ako. Nakakatuwa ‘yung puso niya,” puri ni Ivana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Zeinab Harake, Alex Gonzaga niregaluhan ng P160k ang isang elementary teacher

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending