Ivana Alawi pinagsabihan si Charlie Fleming, matigas raw ang ulo?

Ivana Alawi pinagsabihan si Charlie Fleming, matigas raw ang ulo?

Therese Arceo - March 15, 2025 - 09:38 PM

Ivana Alawi pinagsabihan si Charlie Fleming, matigas raw ang ulo?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang ginawang komprontasyon ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi at Kapuso actress na si Charlie Fleming.

Parehas na bahagi ng bagong edisyon ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” ang dalawang dalaga na isang linggo na halos magkasama sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Si Ivana ay nasa loob ng PBB house bilang guest housemate habang si Charlie naman ay isang official housemate.

Habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay mas nakikilala nila ang ugali ng isa’t isa kasama na rito ang mga nakasanayan at asal nila sa kapwa tao.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi naligo sa garden ng PBB house; napagalitan na, na-buzzer pa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Napansin ni Ivana na tila may katigasan na ang ulo at tila nalilimutan ni Charlie na nakatatanda sa kanya ang mga kasama kaya naman minabuti niyang kausapin ito para maging aware sa kanyang mga kilos.

“Charlie, I know you have a strong personality. Alam kong matured ka pero minsan nasosobrahan ka na. Nakakalimutan mong may ibang mas nakakatanda sa ‘yo at nawawala ang respeto mo sa amin,” saad ni Ivana.

Habang nag-uusap ay nagbigay ng pagkakataon ang Kapamilya actress kung saan pakiramdam niya ay nasosobrahan si Charlie.

Paalala ni Ivana, “Gusto kitang sabihan. Bata ka e. I’m just telling you as an ate. Hindi ako galit sa ‘yo but you have to take responsibility. Next time, just try to be mindful.”

Bagamat naiyak ay nagpasalamat naman si Charlie sa payo ng kanyang ate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending