Baste Duterte minura si PBBM: Tatay ko pinakulong mo, p*****i** ka!

Mayor Baste Duterte, Pangulong Bongbong Marcos
BINANATAN na ni Davao City Mayor Sebastian Duterte si Pangulong Bongbong Marcos!
Ito ay dahil sa pagpapahintulot umano sa International Criminal Court (ICC) na arestuhin at ikulong ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“‘Yung tatay mo (Marcos Sr.) pinalibing ng tatay ko (Duterte), pero yung tatay ko pinakulong mo. P***** i** ka!” sey ng alkalde sa pagdiriwang ng ika-88 Araw ng Dabaw sa Davao City na iniulat ng INQUIRER.
Kung matatandaan, taong 2016 nang payagan ng nakatatandang Duterte na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa kabila ng matinding pagtutol, lalo na mula sa mga human rights advocates na lumaban sa diktadura ng pamilya Marcos.
Baka Bet Mo: Bong Go awang-awa kay Duterte: Alam n’yo bang wala siyang tsinelas?
Binigyang-diin din ni Mayor Duterte na hindi sila mananahimik at lalaban sa umano’y ilegal na pagkakaaresto ng kanyang ama.
“It seems to me the stories that I’ve heard about Martial Law and oppression are synonymous with the Marcos family name,” saad niya.
Dagdag pa niya, “Mr. President Marcos, you will never be loved, especially by us who are calling out Rody Duterte’s name. You will never be loved, Mr. Marcos.”
Matapos ang kanyang pahayag, sabay-sabay na sumigaw ang mga tagasuporta ni Duterte ng “Marcos resign.”
Samantala, wala pang pahayag ang Malacañang hinggil sa mga patutsada ng alkalde.
Noong March 11, itinanggi ni Pangulong Bongbong na may bahid-pulitika ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
Ayon sa kanya, sumunod lamang ang gobyerno sa kautusan ng International Criminal Police Organization (Interpol).
“I don’t see how that can be political persecution on my part because it was initiated before I came into the picture,” sambit ni Marcos.
Dagdag niya sa wikang Ingles at Filipino, “Once again, we have to recognize that, of course, it’s natural for people to put… political color, but we just followed Interpol.”
Magugunitang dumating si dating Pangulong Duterte sa Netherlands noong March 12 at agad na ikinulong sa ICC Detention Center sa Scheveningen, The Hague.
Siya ay may hinaharap na arrest warrant mula sa ICC kaugnay ng mga kasong crimes against humanity na umano’y ginawa sa Pilipinas mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.