Bongbong Marcos: Hindi solusyon sa droga ang pumatay
AYON kay President Bongbong Marcos, hindi kailangan na humantong sa patayan at madugong solusyon upang malabanan ang lumalalang kaso ng droga sa Pilipinas.
Sa kanyang naging pahayag sa naggdaang campaign rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa Leyte nitong Biyernes, March 14, tinalakay nito ang napapanahong isyu sa war on drugs.
Ang pahayag ni Marcos ay naganap ilang araw matapos ang pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) sa former president Rodrigo Duterte noong Martes, March 11.
“Sa laban kontra droga at krimen, hindi po natin kailangan dumaan sa madugong solusyon.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos sa mga Pinoy: Tangkilikin ang kuwentong Pilipino
View this post on Instagram
“Wala po sa amin ang naniniwala na ang solusyon sa krimen at sa droga ay ang pumatay ng libo-libo na kapwa nating Pilipino. Hindi po tama yun,” saad ni Marcos.
Aniya, ang tamang paraan ay dapat tiyakin ang kapayapaan at kaayusa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng maayos na batas at epektibong suporta sa mga kapulisan at sa lokal na pamahalaan.
“Ang kailangan po natin para mag-unlad ay hindi pananakot o paninigaw. Ang kailangan po natin ay solusyon, hindi mga maiinit at maanghang na salita na wala namang katuturan, wala namang kabuluhan at walang kinalaman sa problema na hinaharap ninyong pang-araw-araw,” dagdag pa ni Marcos.
Ilang oras matapos ang campaign rally sa Leyte ay humarap si Duterte sa pre-trial hearing ng ICC Pre-Trial Chamber I sa pamamagitan ng video link ngunit personal namang humarap ang kanyang legal counsel.
Itinakda sa naturang pre-trial hearing ng ICC ang confirmation of charges hearing para kay Duterte sa September 23, 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.