Kitty Duterte sinupalpal ng mga kontra kay Digong: Pa-victim!

Kitty Duterte sinupalpal ng mga kontra kay Digong: Itigil na ang pa-victim!

Ervin Santiago - March 16, 2025 - 07:14 AM

Kitty Duterte sinupalpal ng mga kontra kay Digong: Itigil na ang pa-victim!

Rodrigo Duterte at Kitty Duterte

SA halip na makakuha ng simpatya, binarag pa si Kitty Duterte ng mga kapwa niya kabataan dahil sa mali raw nitong paraan ng pagtatanggol sa amang si former President Rodrigo Duterte.

Galit na galit din ang mga netizens na kontra sa pamilya Duterte lalo na sa dating presidential daughter na si Kitty na talak nang talak matapos arestuhin ang kanyang ama sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Pati nga ang director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Police Maj. Gen. Nicolas Torre ay harap-harapan niyang minura habang nag-e-explain sa ginawang pagdakip kay Duterte.

Maraming kabataan ang tumawag kay Kitty ng pa-victim dahil nga sa mga ipino-post niya sa social media para ipagtanggol ang kanyang tatay.

Kinampihan pa ng mga na-bad-trip sa kadaldalan at kawalang-respeto nito sa mga pulis, ang Kabayan partylist na matapang na naglabas ng pahayag laban sa kanya

“In the eyes of Filipinos, Rodrigo Duterte will always be the dictator, murderer, and victimizer, never the victim. Kitty Duterte’s social media activity is ironic and insulting to a lot of youth who lived through Rodrigo Duterte’s bloody regime.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“You and your family are playing victims despite your complicity and deafening silence over your father’s war on drugs and dissent that killed 30,000 Filipinos, many of them youths,” ayon kay Kabataan Partylist Spokesperson Atty. Renee Co.

“Where were your pleas when your father Rodrigo Duterte put in place the policy of killing sprees, arbitrary arrests, and human rights abuses in communities? Who is the true victim between your father that had his Miranda rights read to him while he cozily ate his fill, or 29-year-old Christina Padual who was gunned down while eating a late dinner of sardines, rice, and pakwan, never to be finished?

‘How about between him and 17-year-old Kian de los Santos who begged for another day in school while staring down at a police gun’s barrel? Or what about 3-year-old Myca Ulpina who was shot dead, and her tiny life’s end was justified as ‘shit happens? The narratives of the thousands of EJK victims beg to differ,” dagdag pa ni Co.

Pahabol pa niya, “Tungkulin natin bilang kabataan na ipalaganap pa ang kwento ng mga biktima ng EJK sa ilalim ng pekeng gera kontra droga at pekeng gera kontra terorismo.

“Ang tindig natin ay laging sa panig ng api, at hindi sa nasa kapangyarihan. Ito ang bagong politika na dapat isulong natin.”

Narito naman ang mga comments ng mga netizens sa official Facebook page ng BANDERA.

“True bad tree will produce bad fruit.”

“Alangan nmn pag mangga ang puno tapos aratilis ang bunga aw iba na yan baka d nya anak pg ganun.”

“Kawawa naman c Gen. Torre ginagawa lng naman nia ang trabaho nia. Kahit noong c Digong ang pangulo wala rin magawa ang mga pulis kundi sumunod sa mga utos nia without thinking. His time is up……sabi nga ni Erap weder weder lng yan. Dapat tanggapin nia ang kanyang kapalaran kc yan ang nakatadhana sa kanya lalo na kung ang totoong diyos ay itinakwil mo gaya ng nangyari sa USA.”

“Well ganun talaga alam na nila Yun na darating ang Araw na lilitisin SI tatay digong kahit mismo SI tatay digong alam Niya Yun , huwag na Tayong mag bulag bulagan sa katotohanan , huwag nyo Naman kalimutan Yung mga biktima at mga pamilya na nag durusa Buti nga SI tatay digong maganda Yung magiging kulungan Niya malinis at kumpleto, masarap ang pangkain, samantala Yung mga preso natin Dito sa pinas wow siksikan at mainit.”

“Mizmo….that’s how Digong brought up his child….ang mangga hindi mag bonga sang kamatis. To make it
short ….history repeat it self. Gets?”

“Napanood ba nyo ang video natural na reaksyon ng anak un sa nagmamahal na magulang.”

“D rin….ako pinalaki kmi ng magulang ng maayos may respeto sa nkakatanda d kmi nakakarinig ng murahan sa bahay hanggat sa lumaki kami at nagkapamilya…Ngayon paminsan minsan napapamura ako as expression or sa sobrang galit kc iba na yong nakakasama ko at kng baga yong ugali ng isang tao d naman 100% nakukuha mo sa genes contributory factor din influenced by other persons and environment.”

“Kahit Ako pag tatay ko yun hinuli d lang mura sabutin ng pulis sakin.. syempre tatay nya Yung hinuli Lalo pa’t sa ibang bansa dinalang tatay nya sino bang d mapamura nun.”

“Deserved nila yon. Alangan naman matuwa pa si kitty na nag susufer Ang tatay nya na Hindi naman dapat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No, lahat tayo may emotion pero after sana at least man humingi ng pasensiya bilang respeto.. kc d nman nila kasalanan un ginagawa lng ang trabaho nila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending