Kim Chiu tinakpan ang mukha sa tarpaulin ng isang bakeshop

Kim Chiu tinakpan ang mukha sa tarpaulin ng isang bakeshop, anyare?

Therese Arceo - March 15, 2025 - 11:35 PM

Kim Chiu tinakpan ang mukha sa tarpaulin ng isang bakeshop, anyare?

VIRAL na ngayon sa online world ang larawan kung saan mapapanood na tinatakpan ang mukha ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chie sa tarpaulin ng isang sikat na bakeshop sa Davao.

Ang naturang larawan ay ibinahagi ni Neil Sarao Paigalan sa kanyang Facebook page.

Agad ngang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang naturang pagtatakip ng mukha ni Kim at iniuugnay ito sa nangyari sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang kamakailan lang nang kuyugin ang aktres ng bashers at tagasuporta ng dating pangulo dahil sa kanyang naging opening spiels sa “It’s Showtime”.

Baka Bet Mo: Kim Chiu idinamay sa isyu ni Duterte: Wag n’yo ko isali, parang awa n’yo na!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Marami kasi ang nang-intriga at iniugnay ang salitang “dasurv” ni Kim sa pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) sa dating pangulo dahil sa kasong “crimes against humanity.”

Ngunit pinabulaanan naman ng dalaga ang kaugnayan ng kanyang spiels sa pangyayari sa dating pangulo at wala siyang pinariringgan.

Nag-sorry ang netizen kay Kim at kasabay nito ang pagpapaalala ni Kim na ugaliin ang pagpa-fact check.

“Mahalaga po mag #FactCheck bago manghusga at akusahan ang isang tao.

“Let’s all be responsible citizens. Magtulungan tayo wag magsiraan. God bless po ang lahat,” saad ni Kim.

Wala namang naging pahayag ang aktres kung magsasampa ba ito ng kaso laban sa netizens lalo na’t marami ang nag-uudyok rito na gumawa ng legal action para masampolan ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending