Rodrigo Duterte sinigurong OK siya, nangako: Ako ang managot sa lahat!

Rodrigo Duterte
SINIGURO ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maayos ang kanyang kalagayan sa pagdating niya sa Rotterdam, The Netherlands, kahapon, March 12.
Makalipas ang mahigit 10 oras, lumapag ang sinasakyang eroplano ni Duterte sa The Hague kung saan niya haharapin ang mga kasong isinampa sa kanya ng International Criminal Court (ICC).
Lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Netherlands eksaktong 11:53 p.m., (Manila time) at ngayon ay nasa custody na ng ICC para sa haharapin niyang paglilitis.
Kasunod nito, nagbigay ng mensahe ang dating presidente sa lahat ng kanyang nga supporters sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa opisyal niyang Facebook account.
“To my countrymen, just to give you the current situation, I am about to land sa The Hague galing ako sa Dubai stopover… it’s a long haul, it’s a long flight. Okay ako. Do not worry,” simulang pagbabahagi ni Duterte.
“I think it has something to do with the law and order noon, at sinasabi ko naman sa mga pulis at military na trabaho ko ‘yon, at ako ang managot so ito na nga.
View this post on Instagram
“For all of the whatever happened in the past, ako na ‘yung nag-front sa ating law enforcement, pati military. Sinabi ko na, I will protect you and I will, ako ang managot sa lahat,” aniya pa.
Pacpapatuloy pa niya, “This will be a long legal proceeding but I say to you I will continue to serve my country at so be it, kung ganoon ang destiny ko. Salamat.”
Nitong nagdaang Martes ng umaga, March 11, inaresto si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa bisa ng arrest warrant ng ICC para sa nagawa niyang “crimes against humanity” kaugnay ng war on drugs.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, ang pag-aresto kay Duterte at pagdadala sa kanya sa The Netherlands ay alinsunod sa commitment ng Pilipinas sa Interpol at hindi “political persecution.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.