PBBM napa-‘sana all’, humanga sa pagtanggap kay Sen. Bong Revilla
“SANA ALL” na lang ang mga katagang nabitiwan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa naging campaign sortie ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas noong Biyernes, March 7, sa Camarines Sur.
Ito ay dahil nasaksihan nito ang tindi ng hiyawan at palakpakan bilang pagtanggap kay re-electionist Senator Ramon Bong Revilla, Jr. matapos nitong banggitin at kilalanin ang senador.
Humanga ang pangulo kay Bong hindi lamang bilang isang artista, kundi pati rin sa track record nito bilang isang lingkod-bayan sa loob ng 30 taon.
Baka Bet Mo: Bong sa chikang siya ang papalit kay VP Sara: That will never happen!
Ito ay umpisa sa pagiging Bise Gobernador at Gobernador ng Cavite, hanggang sa maluklok ito bilang Chairman ng Videogram Regulatory Board, at sa tuluyan nitong pagkakahalal bilang senador, kung saan nakapagsumite ito ng mahigit 2,000 panukala at resolusyon na kung saan 343 dito ay ganap na naisabatas.
Kabilang riyan ang Expanded Centenarians Act, ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, ang pagbabawal sa no permit, no exam policy sa lahat ng paaralan, at marami pang iba.
Dinumog ng mga Bicolano si Bong sa kanyang ginawang campaign caravan sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur kung saan tiniyak ng senador ang kanyang pagpapatuloy ng paggawa ng mga panukalang batas na higit na kailangan ng ating mga kababayan lalo na ang para sa kapakanan ng mga mahihirap, lolo at lola at mga mag aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.