Bong sa chikang siya ang papalit kay VP Sara: That will never happen!

Sara Duterte at Bong Revilla
NAGSALITA na ang veteran actor at public servant na si Bong Revilla tungkol sa chikang siya raw ang palalit kay Vice President Sara Duterte sakaling ma-impeach ito.
Nakausap ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng entertainment media si Sen. Bong kahapon, March 1, at dito nga niya nilinaw ang naturang balita na lumabas sa social media.
Mariin itong pinabulaanan ng senador at tinawang na fake news ang kumalat na balita tungkol sa kanila ni VP Sara.
“May lumabas, ‘di ba? Pinaputok nila sa social media, kapag na-impeach daw si Inday Sara, ako ang papalit. That’s fake news.
“That will never happen. ‘Yung parang ako ‘yung papalit. Hindi ako ganu’ng klaseng tao. Hindi. No,” ang pahayag ni Sen. Bong.
Baka Bet Mo: Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita
“Saka wala po akong ambisyon diyan. Wala na. Maybe noon, nangarap ako, but no more!” dagdag pa ng premyadong aktor.
In fairness, ang bongga ng naging tsikahan ng showbiz press at ni Sen. Bong kahapon dahil game na game niyang sinagot ang mga katanungan tungkol sa mga kaganapan ngayon sa kanyang buhay.
View this post on Instagram
Kabilang na rito ang ginagawa niyang pangangampanya bilang reelectionist sa pagkasenador pati na ang mga batas na naipasa niya at iba’t ibang isyu sa showbiz industry.
Ayon kay Sen. Bong na kilala na rin ngayon bilang Tolome, ang pinasikat niyang karakter sa Kapuso limited series na “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis” kasama si Beauty Gonzalez.
Sobra ang pagpapasalamat niya sa patuloy na suporta ng taumbayan sa kanyang kampanya. Ramdam na ramdam daw niya ang pagmamahal ng tao sa pag-iikot niya nang magsimula na ang official campaign period.
Malaking tulong na na-appreciate ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga makabuluhang batas na naipasa niya lalo na nitong kasalukuyan niyang termino sa Senado.
Nariyan ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” (RA 11997), “Expanded Centenarians Act” (RA 11982), “Free College Entrance Examination Act” (RA 12006), “No Permit, No Exam Policy Prohibition Act” (RA 11984), at ang “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act” (RA 11909).
Samantala, natanong din kay Sen. Bong kung wala ba siyang planong tumakbong pangulo sa 2028 Presidential elections, puro iling ang isinagot ng aktor.
“Nakulong na ako dahil diyan sa mga ganyan. Ayaw ko niyan. Sa kanila na ‘yon. Makatulong lang tayo dito bilang Senador, okey na ‘yon. Ayoko. Sa kanila na ‘yan,” ang pagtanggi ni Sen. Bong Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.