Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita | Bandera

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

Reggee Bonoan |September 01,2022
facebook
share this

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

Reggee Bonoan - September 01, 2022 - 02:52 PM

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita
NAGULAT kami sa nabasa naming post ng right hand and itinuring na miyembro ng pamilya Revilla na si Portia Ilagan kaninang umaga tungkol kay Senator Bong Revilla, Jr.

Base sa Facebook post ni Portia, “LORD FATHER ALMIGHTY GOD,BLESS and HEAL our beloved SEN. RAMON BONG REVILLA, JR. at the quickest time. Amen. (emojis praying hands and heart).”

Sinundan naman ng Instagram post ng manager ng aktor/politiko na si Manay Lolit Solis na may picture nito at ang caption ay, “Scary ang dating sa akin ng balita na isinugod si Bong Revilla sa hospital, Salve.

“Alam mo na isa si Bong Revilla sa mga mahal na mahal kong alaga. Napakabait at napakalaki ng puso ni Bong sa mga tao, kaya people friendly siya. Madaling lapitan, hindi namimili ng kausap, talagang sincere sa pakikipagkaibigan.

“Kaya mabuti na lang at isang minor stomach pain lang pala ang dahilan, pero mabuti at na diagnose agad.

“Dapat talagang ingatan ni Bong ang kanyang health, napakarami pa niyang dapat gawin at magagawa, kailangan niya ang malusog na katawan para maharap ang trabaho.

“Saka tandaan mo Bong na isa ka sa mag aalaga sa akin, kaya ako dapat mauna sa iyo noh, wala kang karapatan mauna sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Promise mo iyan, tuparin mo. Kundi, magagalit ako. Stay healthy and strong always, my ever favorite Bong Revilla, Promise.”

Oo nga in-announce pa ni manay Lolit noong nasa ospital siya na sinabihan daw lahat ang doktor niya ng senador na gawin ang lahat para sa manager niya at siya lahat ang sasagot ng gastusin.

Ikalawang ina ang turing ni Sen. Bong kay Manay Lolit at hindi na ito bilang manager.

Totoo na malaki ang puso at madaling lapitan ang nasabing senador dahil pinasalamatan din siya ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang Cristy Ferminute radio show sa pagbibigay ng ‘guaranteed letter’ sa Diliman Hospital kung saan naman naka-confine ang right hand nitong si Japs Gersin na na-stroke noon pang Agosto at kasalukuyan pa ring nasa Intensive Care Unit ngayon.

Ayon kay ‘nay Cristy ay abut-abot ang pasalamat din niya kay Kabsat Portia na naging daan para malaman ni Sen. Bong ang kalagayan ni Japs.

Panalangin din namin ang agarang paggaling ni Sen. Bong.

Related Chika:
Bong Revilla nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz

Jolo tatakbong kongresista sa Cavite; Bong balik-taping para sa ‘Agimat ng Agila book 2’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending