Lolit: Kung maibibigay ni Jojo yung kailangan ni Mark, why not?

Lolit Solis: Kung maibibigay ni Jojo yung kailangan ni Mark, why not?

Ervin Santiago - March 05, 2025 - 01:00 AM

Lolit Solis: Kung maibibigay ni Jojo yung kailangan ni Mark, why not?

Lolit Solis, Jojo Mendrez at Mark Herras

NAKAKALOKA! Talagang tinatawag na rin ngayong “MarJo” ang Kapuso actor-dancer na si Mark Herras at ang Revival King na si Jojo Mendrez.

Bukod sa tandem nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na kilala rin sa tawag na “MarJo” ay pak na pak din ngayon ang nali-link na sina Jojo at Mark.

Ayaw nang magsalita ni Jojo tungkol sa intrigang may relasyon umano sila ni Mark dahil kahit ano naman daw ang gawin at sabihin niya ay paniniwalaan pa rin ng mga tao kung ano ang nais nilang paniwalaan.

Pero kahit anong tanggi ni Jojo ay naniniwala pa rin ang marami na may “something” nga sila ni Mark lalo na nang sorpresahin ng aktor ang singer-businessman sa presscon nito with matching flowers.

Hindi rin naman daw diretsahang itinanggi ng Kapuso star na may relasyon sila ni Jojo basta ang sinabi niya ay nirerespeto niya si Jojo at lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan nina Mark at Jojo, biglang inilabas ang duet ng dalawa sa kantang “Somewhere in My Past” na unang pinasikat noon ng yumaong aktres na si Julie Vega.

In fairness, napakinggan na namin ang kanilang collab at natuwa naman kami dahil maganda ang naging effect ng pagsasanib-pwersa ng mga boses nila. Ramdam namin ang puso nila na parang talagang may nangyari sa kanila in the past.


Samantala, natanong ang dating manager ni Mark na si Manay Lolit Solis tungkol sa aktor at kay Jojo, feeling ba niya ay may namamagitan talaga sa dalawa?

“Puwede! Naku, puwede, o! Siguro, kung gagawin man yun ni Mark, baka talagang kailangang-kailangan na niya. Di ba? Saka basta matutulungan siya,” ang sagot ni Manay Lolit sa tanong ni Gerry Olea.

Nabanggit din kay Manay Lolit na “Bebe” raw ang tawag ni Jojo kay Mark at sinabihan umano ng singer ang aktor na huwag nang magsayaw sa gaybar.

“Well, siguro may kailangang-kailangan si Mark kung totoo nga yung sa kanila ni Jojo. Pero kung maibibigay naman ni Jojo yung kailangan ni Mark, why not? Oo. Ako, ano ako sa mga ano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naiirita nga ako kay Bong, wala siyang ano, ‘no. Wala siyang naging experience sa bading, no! Hindi complete ang buhay ni Bong Revilla. Hindi siya nagdaan sa kamay ng bading!” ang nakakalokang sey pa ni Manay Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending