Jolo tatakbong kongresista sa Cavite; Bong balik-taping para sa 'Agimat ng Agila book 2' | Bandera

Jolo tatakbong kongresista sa Cavite; Bong balik-taping para sa ‘Agimat ng Agila book 2’

Reggee Bonoan |September 22,2021
facebook
share this

Jolo tatakbong kongresista sa Cavite; Bong balik-taping para sa ‘Agimat ng Agila book 2’

Reggee Bonoan - September 22, 2021 - 05:11 PM

Bong Revilla at Jolo Revilla

HULING termino na ni Jolo Revilla bilang vice-governor ng Cavite City kaya nagpaalam na siya sa kanyang constituents at ipinaalam na rin niya ang plano niya sa 2022.

Base sa post ng aktor at politiko, “Marami pong salamat sa LAKAS-CMD sa inyong pagtitiwala upang maging pambato ng ating partido bilang Kongresista ng Unang Distrito ng Cavite. 

“Makaaasa po kayo na ipagpapatuloy natin ang paglilingkod sa ating mga kadistrito tungo sa kaunlaran at progresong dama at pinakikinabangan ng lahat. Tuloy ang Laban sa Pagbabago!” aniya pa.

Sa ginanap na oathtaking ceremony ni VG Jolo ay dumalo ang magulang nitong sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla at nagbigay ng kanilang saloobin at pagbati sa bagong landas na tatahakin ng anak.

Samantala, tinanong namin ang taong malapit kay Jolo kung magiging tatay na ba siya ulit dahil magdadalawang taon na silang kasal ng asawang si Angelica Alita sa darating na Disyembre.

“Not yet,” ang maikling sagot sa amin.

Sabagay, mahirap magdalang-tao sa panahon ngayon lalo’t tutulong ang magandang misis ni Jolo sa kanyang pangangampanya.

* * *

Balik lock-in taping na si Sen. Bong Revilla para sa “Agimat ng Agila Book 2”. Ayon sa aktor, mas gusto niya ang ganitong set-up ngayon dahil mas magaan para sa lahat, mula artista hanggang sa production staff.

Oo nga, mas nare-relax ang mga artista dahil hindi na sila umaalis ng location at ang production ay madali rin sa kanila ang pagse-set-up.

At bilang senador ay nagagampanan nang mas madali ni Bong ang trabaho niya dahil puro zoom meeting anytime, anywhere na hindi tulad dati na kailangang pumasok sa senado na nakaka-stress pa dahil sa matinding trapik.

Anyway, kaarawan ni Sen. Bong sa Sabado, Set. 25 at wala man siyang bonggang party tulad ng nakagawian noong wala pang pandemya ay siya naman ang magti-treat ngayon sa kanyang supporters.

Ibabalik sa Facebook Live ni Sen. Bong ang “Kap’s Agimat Birthday Giveaway” na gaganapin sa mismong kaarawan niya sa Sabado at at Linggo, Set. 26.

Sa mga interesadong sumali, mag-fill out lang sa Google form link at isumite sa social media account ni Sen. Bong Revilla. Kailangang mag-subscribe sa kanyang official YouTube channel at i-click ang notification bell upang masigurong updated sa kanyang pa-giveaway.

Aniya, “Instead of me receiving gifts, I feel better kung ako ang mamimigay ng giveaways sa mga mahal ko at mga sumusuporta sa akin. It’s my way of giving back for all the blessings my family and I have received from the Lord.

“This year, we have prepared more prizes so sana, mas maraming maki-join sa amin sa aking youtube channel. Inaanyahan ko ang lahat para sumali sa aking special birthday celebration na ito.”

Dagdag pa, “Nagpapasalamat naman ako kasi naging matagumpay ang pagbabalik ko sa TV with ‘Agimat ng Agila’ na mataas ang ratings lagi. Napatunayan kong may puwang pa rin pala ako sa puso ng mga manonood.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa BANDERA ang aming pagbati ng maligayang kaarawan, Sen. Bong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending