Bong Revilla, Ara Mina sinuyod ang Pasig City

Bong Revilla, Ara Mina sinuyod ang Pasig City

Jan Escosio - March 24, 2025 - 04:14 PM

Bong Revilla, Ara Mina sinuyod ang Pasig City

Bong Revilla

IPINADAMA ng mga residente ng Pasig City ang kanilang suporta kay reelectionist Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. kahapon, araw ng Linggo.

Bago ang kanyang motorcade sa lungsod, nakipag-diyalogo si Revilla sa mga inabutan niya sa Pamilihang Bayan ng Pasig, kasama ang aktres na si Ara Mina.

“Alam kong hindi madali ang buhay ngayon, kaya sa Senado, lagi nating inuuna ang mga batas na talagang may silbi sa tao,” aniya.

Idinagdag pa niya na ang mga isinusulong niyang panukala ay mga lubos na mapapakinabangan ng mas nakararaming Filipino.

Labis na natuwa ang kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas dahil marami sa mga nakaharap na Pasigueño ang naalala ang mga batas na isinulong ng senador.

“Hindi lang ito tungkol sa eleksyon, ito ay tungkol sa patuloy na pagseserbisyo at pagpapakita ng malasakit sa ating mga kababayan,” sabi pa ni Revilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending