Nora nagparamdam kay Ian bago pumanaw: Ma, wag kang ganyan

Nora Aunor may ‘paramdam’ kay Ian bago pumanaw: Ma, ‘wag kang ganyan

Ervin Santiago - April 20, 2025 - 08:00 AM

Nora Aunor may 'paramdam' kay Ian bago pumanaw: Ma, 'wag kang ganyan

Ian de Leon at Nora Aunor

MAY “paramdam” na pala ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa kanyang anak na si Ian de Leon ilang araw bago ito pumanaw.

Naikuwento ng aktor ang huling palitan nila ng mensahe ng namayapang ina sa pamamagitan ng chat kung saan may hiniling si Ate Guy kay Ian.

“Ang pinakahuli niyang message po sa akin, sabi niya, ‘Anak, pakihalik mo ako sa mga apo ko. Hug mo ‘ko sa kanila. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila,’” ang pahayag ni Ian sa panayam ng “24 Oras”.

Ang sagot daw ni Ian kay Ate Guy, “’Ma, ‘wag ka namang ganyan magsalita. Mag-a-outing pa tayo, ‘di ba? Magbi-birthday ka pa. Magba-bonding pa tayo.”

Muli raw niyang ipinaabot sa kanyang nanay ang pagmamahal ng kanyang pamilya, “Lahat po kami binantayan namin siya, talagang hindi namin po siya iniwanan sa tabi niya.”

Sa tanong naman kung paano niya gustong maalala ng sambayanang Filipino ang nag-iisang Superstar, “Ang pagiging malapit sa Diyos.”

“Buong buhay po namin, hindi naging madali. Ang buhay ng tao ay hindi madali, maraming pagsubok, maraming pinagdadaanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi po iba ang aming ina. Bawat isa sa atin may mga pinagdadaanan. Minsan may konting hindi pagkakaintindihan pero sa halip ng lahat, ang importante ay bumalik loob tayo sa Diyos at matutong magpatawad,” pagbabahagi pa ni Ian.

Nang dahil din daw kay Ate Guy, marami siyang natutunan sa buhay kabilang na ang pagpapatawad at pagmamahal ng walang kapalit.

“Sa mga taong nagmamahal sa kaniya, sana po ay tularan po natin ang aming ina. Dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami mapapalaki po nang ganito,” sabi ng aktor.

Para naman sa panganay na anak ni Nora na si Lotlot de Leon, “As a person, a lot of people can testify on my mom’s generosity, you know? Hindi lang sa craft niya, kung hindi sa lahat ng bagay.

“And that’s why she’s really loved by plenty. ‘Yung pagiging genuine niya and malambing niya sa lahat, the way she helps others also, walang kwestyon ‘yon,” sey ng aktres.

Sumakabilang-buhay si Ate Guy nitong nagdaang Miyerkules sa edad na 71.  Acute respiratory failure ang dahilan ng pagkamatay ng Superstar, ayon sa kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakaburol pa rin ang labi ni Ate Guy sa Heritage Park sa Taguig City. Ihahatid siya sa huling hantungan sa darating na April 22 sa Libingan ng mga Bayani.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending