'Walang Matigas na Pulis' ni Bong wagi sa 38th Star Awards for TV

‘Walang Matigas na Pulis’ nina Bong at Beauty wagi sa 38th Star Awards for TV

Ervin Santiago - March 27, 2025 - 09:37 PM

'Walang Matigas na Pulis' nina Bong at Beauty wagi sa 38th Star Awards for TV

Beauty Gonzalez at Bong Revilla

PINATUNAYAN ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na winner ito sa puso ng Pinoy matapos makuha ang Best Mini Series sa 38th Star Awards for Television nitong Linggo, March 23, na ginanap sa Dolphy Theater.

Of course, super happy ang action star-lawmaker na si Sen  Bong Revilla, Jr., na gumaganap bilang si Tolome sa panibagong karangalang iginawad sa kanilang serye.

“Grabe! Sobrang nakakataba ng puso! Mula umpisa hanggang dulo, ibinuhos namin ang lahat para mabigyan kayo ng isang palabas na hindi lang puno ng aksyon at tawanan, kundi aral at lalim din.

“Nagpapasalamat kami sa PMPC sa pagkilalang ito, sa aming production team, at higit sa lahat, sa mga manonood na walang sawang sumuporta,” pahayag ng mambabatas.

Kahit tapos na ang Season 3 ng show, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan nito. Pinag-usapan ito dahil sa kakaibang timpla ng aksyon, tawanan, at kurot sa puso.

Kasama ni Sen. Bong sa tagumpay na ito sina Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, at iba pang mahuhusay na artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Usap-usapan ngayon kung magkakaroon ba ng Season 4 ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” pero wish ng mga supporters nina Sen. Bong at Beauty sana’y magpatuloy pa rin ang naturang programa dahil naging bahagi na raw ito ng kanilang weekly viewing habit.

Hindi pa kinukumpirma ni Sen. Bong ang pagkakaropn ng Season 4 ng programa pero marami na ang nag-aabang sa pagbabalik ni Tolome sa telebisyon? Abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending