Kitty Duterte may babala tungkol sa social media accounts
NAGLABAS ng pahayag si Kitty Duterte, anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang mga official social media accounts.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories ay ibinahagi ng dalaga ang mga official accounts niya.
“Notice to the Public Please be informed that I, Veronica A. Duterte, have only the following OFFICIAL ACCOUNTS: Instagram Account under the name ‘@veronicaduterte’Facebook Account (private),” saad ni Kitty.
Aniya, ang iba pang social media accounts na gumagamit ng kanyang pangalan ay hindi kanya.
Baka Bet Mo: Kitty Duterte nag-celebrate ng 21st birthday kasama ang supporters ni FPRRD
View this post on Instagram
Babala pa ni Kitty, “All other accounts are NOT MINE. In relation thereto, the public is advised to be wary of other accounts under my name especially those accounts that require unlawful subscription fees. Thank you!”
Matatandaang maraming mga social media pages ngayon ang nagsulputan lalo na’t madali na lang sa teknolohiya ngayon ang gumawa ng account at magnakaw ng mga larawan.
Hindi lang si Kitty bagkus marami ring celebrities at kilalang personalidad ang nabibiktima ng identity theft online.
Kamakailan rin ay nagigigng maingay ang pangalan ng dalaga matapos ang pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) sa kanyang ama.
Sa katunayan, nag-celebrate siya ng kanyang ika-21st birthday sa isang park kasama ang ina na si Honeylet at mga tagasuporta ni FPRRD sa tapat ng facility center kung saan namamalagi ang kanyang ama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.