Nora Aunor throwback: Wala kaming relasyon ni John Rendez

Nora Aunor throwback: Wala kaming relasyon ni John, may kunsensya naman ako

Ervin Santiago - April 20, 2025 - 08:15 AM

Nora Aunor throwback: Wala kaming relasyon ni John, may kunsensya naman ako

John Rendez at Nora Aunor

NATUWA ang mga Noranians nang makita ang pagbisita ng rapper-actor na si John Rendez sa burol ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Patuloy ang pagdagsa ng mga taong bumibisita sa lamay ni Ate Guy sa Chapel 9 ng Heritage Park sa Taguig City, kabilang ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz.

Dumalaw na rin si John Rendez sa wake, ang espesyal na kaibigan ng movie at TV icon na pumanaw dahil sa acute respiratory failure.

Balitang nagkasabay pa sa pagpunta sa burol si John at ang dating asawa at leading man ni Nora sa pelikula na si Christopher de Leon.

Sa panayam ng media kay John Rendez, sinabi nitong matindi ang epekto sa kanya ng pagkamatay ni Ate Guy at patuloy niyang ipagdarasal ang katahimikan ng kaluluwa ng kanyang kaibigan.

Ang feeling ng mga tagasuporta ni Nora, mukhang okay na ang relasyon ngayon ng rapper at ng mga anak ng Superstar. Kaya naniniwala silang maligaya ngayon ang yumaong aktres kung saan man ito naroroon ngayon.

Kung matatandaan, sa 70th birthday celebration ni Ate Guy last May 21, 2024, nagsama-sama ang kanyang mga anak na sina Ian, Matet, Lotlot, Kiko at Kenneth de Leon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Present din noon si John Rendez pero nagdesisyon siyang umalis agad at hindi na magpakita sa mga guest ng aktres.

Nagmarka naman sa publiko ang bahagi ng birthday message ni Ate Guy kung saan nakiusap siya sa kanyang mga anak hinggil sa pagkakaibigan nila ni John.

“Kung anuman ang mga nangyari noong araw, kalimutan na natin. Magmahalan tayong lahat. ‘Yun lang ang hinihiling ko – pagkakaunawaan, walang siraan.

“Kung may marinig sa ibang tao huwag tayong maniniwala kaagad. Huwag tayong makiking hangga’t hindi natin nakakausap ‘yung sinisiraan nilang tao,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “Ang wish ko lang talaga ay makitang magkakabati tayo. Alam naman natin ang totoo, di ba? Si John, alam naman natin anong nangyari sa kanya, huwag na nating palalain kung ano ang mga sinasabi ng ibang tao.

“Ang isipin natin ang nanay n’yo na hindi iniwanan nu’ng tao ng ilang taon. Nawala kayong lahat, nagkaroon ng pamilya, ang natira si John. Kaya hindi puwedeng hindi ko ipagtanggol ‘yung tao, eh.

“At gusto kong malaman n’yo ‘yun. Mahalin natin, mahalin natin ‘yung tao.

“Kagaya niyan, nandito siya kanina pero hiyang-hiya. Hindi siya nagpakita nang husto dahil alam niyang nandito ang pamilya ko, ayaw niyang may masabi na naman ang tao sa kanya kaya hindi siya nagpakita nang matagal. Pero alam ko, sa puso niya, gusto niya kayong makausap,” saad pa ng Superstar.

Dagdag pa niya, “Gusto ko lang magmahalan tayo. Wala naman kaming relasyon ni John. Nagkaroon lang ng…gusto ko lang malaman ng lahat na ipinagtatanggol ako nung tao hindi sa kung ano pa mang dahilan. Sana makita ko na magmahalan kayo.

“Kasi ako naman matanda na ako, eh. Pasalamat nga ako sa kanya na hanggang ngayon nandiyan pa rin siya. ‘Yun lang. Gusto ko lang malaman ng tao na intindihin natin siya, inuwain natin siya.

“Wala kaming relasyon. Kasi minsan, ang tinatawag na relasyon, parang sinabi ko na pumapatol ako sa bata, di ba? Meron naman akong kunsensya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pasensya na po at ako’y hirap magsalita dahil hinihika ako pero alam n’yo po ang nasa puso ko, ang nasa isipan ko at ‘yung mga sinasabi ko walang pagkukunwari. Mahal ko ang pamilya ko, ang fans, ang mga press, mga kaibigan – lahat. Maraming salamat po,” sabi pa ni Nora.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending